PROLOGUE

55 0 0
                                    

Sofy

20 years ago

"Code blue! Code blue!"

Everything happened so fast. In a snap of a finger, everything went black. And the next thing I know, the supposed-to-be-a-happy-night turned into a tragedy.

"No pulse."

"One, two, three, four, five, six,..."

"Drawing up one milligram of epinephrine."

"One milligram of epi given."

"Begin charging."

"Charging."

"Clear!"

Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang naranasan mapunta sa ganitong situwasyon. Tanging mga ilaw, puting pader at mga ingay galing sa mga doctor at nurse lang ang nakikita at naririnig ko.

Magulo.

Napakagulo.

May mga umaasikaso din sa aking mga nurse at doctor pero wala ako sa tamang huwisyo.

"Charge at two hundred Joules."

"Charged to two hundred Joules."

Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari. Kung ano ang masakit sakin o kung mabubuhay pa ba ako. Ang tanging alam ko lang, hindi lang ang mga sugat at pasa sa buong katawan ko ang masakit...

"All clear."

"Shocking."

"Clear!"

Nalingon ko ang isang kama di kalayuan mula sakin. Pero dahil sa panlalabo ng paningin ko at sa dami ng mga nurse na nakapaligid dito, tanging ang duguang kamay lamang nito ang nakita ko at ang konting bahagi ng ulo nito. Lalake. Lalake ang pasyente.

"Anak ko!!"

"Charged to three hundred."

"Clear!"

"Ahhh!!! Iligtas niyo siya! No, no, no. My son! No!"

"Charge to three hundred sixty."

Mga hagulgol sa hindi kalayuan. Kanino kaya galing ang mga yun? Hindi ko din alam. Unti-unti ng namamanhid ang buong katawan ko. Nalalabo na rin ang buong paligid ko.

"Time of death, 8:32 pm."

Death...

Yun lamang ang huling nadinig kong salita bago tuluyang nagdilim ang paligid ko. Pero kahit sa kadiliman, nararamdaman ko pa rin ang sakit, ang paninikip ng dibdib ko at pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.

Kung sino man ang lalakeng iyon, mukhang...,

hindi ko na siya makikita ulit.

At sana, hindi ko na siya maalala. Dahil kung hindi, siguradong...

paulit-ulit lang na itong araw na ito ang maaalala ko. At paulit-ulit lang akong iiyak... nang iiyak... at iiyak...

In one night, the world managed to turn our lives upside down.
















Andrius

2 years ago.

"Doc, kamusta po ang anak ko?" Yan agad ang bumungad sa akin pagkalabas ko ng operating room.

As much as I want to go now, it's my duty to answer all of their questions.

"The condition of the patient is now stable. Pero kailangan pa rin namin siyang obserbahan hanggang sa tuluyan nang bumuti ang kalagayan niya."

"S-salamat po doc."

"You're welcome, po ma'am."

Nang makapagpaalam, agad na akong naglakad papunta sa kuwarto ng isang importanteng tao sa buhay ko. Pero bago pa ako tuluyang makalapit sa kuwarto niya ay lumapit na agad sa akin si Khael, ang nag-iisang kaibigan ko na isang nurse. Hindi maipinta ang mukha nito at nang lumapit sa akin ay nakayuko at tila hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa akin.

"Ano yun Khael?" Bungad ko dahil halata namang may gusto itong sabihin.

Nang mag-angat ito ng tingin ay puno ng kalungkutan ang mukha niya.

And then realization hit me.

It couldn't be.

Impossible.

No way.

This is not happening to me again.

I stormed into the room and found a quiet place.

Tahimik sila at nangingibabaw ang kalungkutan sa buong silid.

Hanggang sa dumako ang paningin ko sa pasyenteng nakahiga sa kama...

"Anong nangyari?" Kinakabahang tanong ko sa kanila habang nanatiling nakatuon ang atensyon ko sa kanya.

"Alam mo kung ano'ng mangyayari."

Halos manginig at manghina ang buong katawan ko nang lingunin ko ang nagsalita.

Hindi ko kaya. Ayaw ko.

Ibinalik ko ang tingin ko sa pasyente.

"H-hindi..."

"HINDI PWEDE!"

This can't happen to me again. I already lost someone I love. Because of that night. That one night, when the world managed to turn our lives upside down.

Doctor Nostalgic [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon