CHAPTER 9
One Step Closer______________________________________
Francis
After breakfast hindi ako agad pumasok sa opisina ko. Mabilis kong inutusan ang driver na idiretso ang kotse sa opisina ni dad.
Pagkarating ko doon ay hinarang ako ng sekretarya niya.
"Sorry po sir, pero bilin po ni Mr. Velasquez na wag siyang iistorbohin ngayon." I looked down to look at the secretary.
"I am... Mr. Velasquez too." Nang subukan ulit nitong humarang sa dadaanan ko ay mabilis kong siyang tinabig pagilid at saka nagtuloy sa paglalakad hanggang sa mabuksan ko ang pinto ng opisina ni dad.
Pagkapasok ko ng opisina niya ay may kausap itong dalawang lalake na agad natigil sa pagdating ko.
Gulat at dismayado naman hitsura ni dad nang makita niya ako.
"I'll just see you again next time. Thank you for your time." Anito atsaka na sinamahang makalabas ang dalawang lalake sa opisina niya.
Nang makabalik ito sa table niya ay saka siya muling nagsalita.
"Since when did you lost your manners?" Tanong nito habang nagsasalin ng tsaa.
Napangisi na lang ako sa klase ng tanong niya.
"Bakit hindi mo yan tanungin sa panganay mo? Tutal, nakakapag-usap naman na ulit kayo, hindi ba?" Tugon ko dito.
Natigil naman ito sa ginagawa at saka marahang tumingin sa akin.
"Huwag mong ihalintulad ang sarili mo sa kapatid mo dahil magkaiba ang sitwasyon niyo at magkaiba kayo." Ani naman nito at saka uminom ng tsaa.
Napakuyom naman ako nang marinig ang sinabi niya.
Dahil ba sa pagkakaiba na iyon kaya hindi sa akin ipapamana ang ospital?!
"Kung ganun, ano ba ang pagkakaiba namin, dad? Ano ba ang pagkakaiba namin at sa kanya mo napiling ipamana ang ospital?" Inis na tanong ko na ikinatigil nito sa pag-inom.
Maya-maya'y nagsalin ulit ito.
"Alam mo kung ano ang pinagkaiba niyo ng kapatid mo?" Ibinaba nito ang hawak niyang tasa at saka tumingin sa akin.
"Iyan." Ani pa niya at iminuwestra ang kaliwang kamay sa akin.
"Hindi siya gutom sa kapangyarihan." Dugtong niya na ikinatigil ko.
Isang pagak na ngisi ang lumabas sa labi ko.
Hindi siya gutom sa kapangyarihan...
Kilala ko ang matandang ito. Wala silang pinagkaiba ni Andrius. Hindi sila mabilis bumigay kung alam nilang wala silang mapapala sa isang bagay.
"Hindi ganid sa kapangyarihan? Alam ko kung bakit niya tinanggap ang pagpapamana mo sa kanya ng ospital. Dahil iyon sa nalulugi niyang negosyo. Pero ikaw... ano naman kaya ang dahilan kung bakit bigla mong naisipang ipamana sa kanya ang ospital?"
Huminga muna ito ng malalim at saka sumandal sa kinauupuan niya.
"Ooperahan niya ang anak ng kaibigan ko."
Simpleng ani niya na ikinatigil ko.
"Ano? Bakit siya? Cardiac surgeon din ako tulad niya! Bakit siya?! Kung ano ang kaya niya, kaya ko din!" Gigil na gigil kong naikuyom ang kamao ko at naihampas sa lamesa niya.
BINABASA MO ANG
Doctor Nostalgic [ONGOING]
RomanceDue to a heart problem and some circumstances, Sofy Silverio met the ill-tempered but famous cardiac surgeon and businessman, Andrius Velasquez. Surprisingly, though, even with his monstrous demeanor, Sofy still managed to see the kindness that lies...