CHAPTER 4 : The Beast Finally Met the Beauty

29 0 0
                                    

CHAPTER 4
The Beast Finally Met the Beauty

______________________________________

Sofy

Abot kamay ko na sana ang pag-upo kaso agad kong napansin ang lalake sa tabi na tulala sa dagat at parang ang layo ng tingin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang mapagtanto ko kung sino ang lalakeng iyon.

'Ayokong makita ulit ang pagmumukha mo, naiintindihan mo?'

Hindi puwede! Hindi niya ako puwedeng makita!

Maglalakad na sana ako paalis nang biglang may humawak sa isang kamay ko dahilan para matigil ako sa paglalakad. Agad nanlaki ang mga mata ko at ayaw kong lingunin ang direksyon.

"At saan ka pupunta?"

Lubdub lubdub lubdub

Napahinga ako ng malalim nang maramdaman ko ang pagbilis nanaman ng tibok ng puso ko.

Nilingon ko ang direksyon niya at nakitang nakatingin pa rin ito sa dagat.

Nakakaloka...

May saltik ba siya?

Marahan ako nitong hinila palapit na ikinagulat ko.

"Upo ka." Utos nito na ikinanlaki ng mga mata ko.

Sino ba siya sa tingin niya para utus-utusan ako? Ha?!

"Upo ka." Pag-uulit niya sa mas seryosong boses at wala na akong nagawa kundi ang umupo din. Tutal, uupo naman dapat talaga ako kung di ko siya nakita.

Umupo na ako at naglaan ako ng ilang distansya mula sa kanya at inilapag sa pagitan namin ang paper bag na naglalaman ng banana cake.

Ilang saglit pa kaming natahimik hanggang sa magsalita siya.

"Talaga bang sobrang natatakot ka sa'kin?"

Tanong nito na ikinalingon ko sa kanya.

Ito ang unang beses na narinig ko siya sa hindi nakakatakot na boses. Kundi sa isang... malungkot na boses?

Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa dagat. Hindi ko rin lang naman alam kung paano sasagutin ang tanong niya.

"Tss. Bakit ba hindi ka nagsasalita kapag kinakausap ka?"

Tanong nito pero kita ko naman sa peripheral vision ko na sa dagat pa din siya nakatingin.

"Hindi ko lang kasi alam papaano sasagutin." Mahinang sambit ko.

"Ganun ba.."

Muli akong napalingon sa kanya. Hindi siya mukhang nakakatakot ngayon. Sa totoo lang mas mukha siyang taong natalo ng milyon milyon sa casino.

"Sinabi mo sa'kin kahapon na... ayaw mo ng makita ang pagmumukha ko. Kaya nagtataka ako nang sabihin mong umupo ako dito."

Tanong ko habang nakatuon ang tingin ko sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko nang pagak itong tumawa.

"Ahh, yun ba? Pasensya ka na kahapon, sadyang natyempuhan mo lang ako na masama ang araw kahapon." Anito at saka lumingon sa akin.

Ahh... kaya pala.

Mukhang, mali lang talaga ang pagkakakilala ko sa kanya.

Sigurong sadyang sa maling pagkakataon lang ang una naming pagkikita kahapon.

Doctor Nostalgic [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon