CHAPTER 7 : A New Flower Blooms

29 0 0
                                    

CHAPTER 7
A New Flower Blooms

______________________________________

Sofy

Kasalukuyan kaming nasa park ng village ngayon ni Andrius at nakatayo habang pinagmamasdan ang kabuuan ng park.

Hindi ko rin alam kung bakit niya ako niyaya na tumambay dito.

"Y-yung... tungkol sa sinabi mo kahapon, s-seryoso ka ba talaga doon?"

Napalingon ako sa kanya nang magsalita ito.

Nginitian ko ito bago sagutin ang tanong niya.

"Sigurado ako. Nasabi ko na rin kina mama. Kaya, wag kang mag-alala. Magiging ayos lang ako, doc."

Ani ko dito na ikinangisi nito.

"Sino ba ang nagsabi na nag-aalala ako." Depensa nito at saka ibinalik ang tingin sa park.

Napangiti na lang ako nang may maisip akong kalokohan.

Doctor siya diba?

Bigla akong napahawak sa puso ko.

"A-ah..."

Bigla itong napalingon sa akin at bakas agad sa mukha niya ang takot at pagkataranta at saka ako inalalayan.

"Sofy?! Anong nangyayari? Nahihirapan ka bang huminga? Sumasakit--"

"JOKE LANG!" Mabilis akong tumayo ng maayos at saka mag-peace sign sa kanya na ikinagulat ng mukha niya.

"Pinagtitripan mo ba ako?"

Inis na anito na ikinatawa ko lang.

Ilang sandali pa kaming natahimik hanggang sa basagin niya ulit ang katahimikan.

"Hoy, puwede bang wag mo ulit gawin yun? Papatayin mo ba ako sa takot?"

Anito na ikinatingin ko agad sa kanya.

Ano ba talaga ang dahilan ng takot mo?

Gustong-gusto kong malaman. Kung bakit...? Hindi ko alam.

"Hoy, tititigan mo lang ba ako?"

Nag-iwas na lang ako ng tingin at saka iniba ang usapan.

"Bakit mo pala ako dinala dito?"

Ibinaling din nito ang tingin sa park.

"Madami akong masasayang ala-ala noon dito. Pero, naging malulungkot na ala-ala na lang lahat ngayon. Gusto kong subukan gumawa ulit ng masasayang ala-ala dito..."

Anito at saka muling tumingin sa akin.

"...kasama ang isang bagong kaibigan."

A-ano?

Tulala at hindi ako makapagsalita. Gusto niyang... gumawa ng masasayang ala-ala kasama ang isang bagong kaibigan...?

A-ako?

"Kung puwede?"

Isang ngiti ang kumawala sa mga labi ko.

"Puwede naman... k-kaibigan."

Napangisi ito sa tuwa at saka ibinalik sa park ang tingin.

Hinatid na ako ni Andrius sa bahay nang nagdidilim na ang langit.

Bubuksan ko na sana ang gate nang bigla itong magsalita.

"Susunduin kita bukas ng umaga."

Nanlalaki ang mga mata na nilingon ko ito.

Doctor Nostalgic [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon