CHAPTER 11
Love Is the Menu for Tonight______________________________________
Sofy
Hindi na kumalma ang puso ko mula ng yakapin ako ni Andrius ng mahigpit.
Hindi ko alam kung anong dahilan niya at ganito siya umakto ngayon. Pero nang humiwalay ito sa akin at titigan ako sa mga mata, hindi ko maipaliwanag ang emosyon niya.
"P-puwede bang... ipangako mo sa akin na magiging ayos ka lang?"
Lubdub lubdub lubdub
Gusto kong ngumiti dahil sa gusto niyang mangako ako na magiging ayos lang ako. Ngunit sa kabilang banda, nag-aalala ako kung bakit ganito ang mga aksyon at sinasabi niya.
"Ayos lang ako. Huwag kang mag-alala. Walang mangyayari sa akin na hindi maganda." Paninigurado ko dito dahil kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha nito.
Bakit ba siya sobrang nagaalala ngayon? Ano ba talaga ang nangyayari, Andrius?
"Ikaw ata ang hindi maayos. Ano ba ang nangyari sa'yo?"
Tanong ko dito.
Huminga naman ito ng malalim at umiling.
"Wala, bigla lang akong nag-alala para sayo. Kasi diba nagpunta ka sa mall kasama si Eli. Naisip ko baka napagod ka niya ng sobra."
Kinakabahan ang tono ng pananalita niya kaya agad akong nangamba.
Pakiramdam ko nagsisinungaling siya.
Ano man ang tunay na dahilan Andrius, sana huwag mong pasanin iyon ng mag-isa.
Mabilis akong ngumiti upang siguraduhin sa kanya na ayos lang ako.
"Andrius... huwag kang mag-aalala sa akin. Hindi naman ako napagod. At saka masayang kasama si Eli." Paliwanag ko sa kanya kahit alam kong hindi naman talaga iyon ang dahilan ng pag-aalala niya.
May iba pa talagang dahilan.
Nakakalungkot lang dahil... isa ako sa mga dahilan kung bakit kailangang mangyari lahat ng ito sa kanya.
Napakatahimik ng buhay niya noon, hanggang sa dumating ako.
Kaya... sisiguraduhin kong babawi ako sa kanya. Tutulungan kita tulad ng pagtulong mo sa'kin.
Kaya sa pagyakap ko pabalik sayo, sana maramdaman mo... na importante ka din sakin, at gagawin ko ang lahat, makita ka lang na nakangiti at masaya.
"Kung ano man ang iniisip mo, wag mo ng isipin. Wag ka na munang mag-isip ng kahit na anong ipag-aalala mo. Magiging okay din ang lahat."
Nang kumalas ito sa yakap ay ngumiti ito at tumango.
"Panghahawakan ko iyang sinabi mo." Ani niya na ikinangiti ko.
Maya-maya lang ay nagpaalam na ito at saka naglakad patungo sa kotse niya. Sinundan ko ito ng tingin ngunit nang bubuksan na niya ang pinto ng kotse niya ay huminto siya at humarap sa akin.
"Goodnight."
Lubdub lubdub lubdub
Bakit ba napakalakas nanaman ng tibok nito. Tsk.
"G-goodnight..."
Nginitian ko siya pabalik at saka na siya sumakay sa kotse niya.
"Bye future sister-in-law! See yah again!"
BINABASA MO ANG
Doctor Nostalgic [ONGOING]
RomanceDue to a heart problem and some circumstances, Sofy Silverio met the ill-tempered but famous cardiac surgeon and businessman, Andrius Velasquez. Surprisingly, though, even with his monstrous demeanor, Sofy still managed to see the kindness that lies...