CHAPTER 6 : When Two Broken Hearts Meet

26 0 0
                                    

CHAPTER 6
When Two Broken Hearts Meet

______________________________________

Andrei

"Ikaw ah! Nakakahalata na ako. Gusto mo lang ata talagang i-kiss kita kaya lagi mo akong inaasar na bakla eh."

"Edi i-kiss mo na ako."

"Hoy Andrei! Gising!"

"Oh sige na nga i-kiss na kita."

Ayan na... malapit na... point five centimeters...

Muu---

"MUH!"

"Bakit ba lagi kang nagigising ng nahuhulog at nakanguso sa sahig? Tsk. Wag ka kasing dumapa sa pagtulog. Pag ikaw nahulog sa maling posisyon, magagaya ka sa mga pasyente mo."

Agad akong napahawak sa nguso ko na tumama nanaman sa sahig. Ang sakit.

Napanguso na lang ako lalo sa sobrang sakit.

"Bakit mo ba kasi ako ginising?"

Umupo na ako sa sofa at saka nag-angat ng tingin para kausapin si Khael na nakatayo sa gilid ko.

"Biglang may kumatok eh. Ikaw na mag-bukas."

Ani nito na ikinalukot ng buong muka ko.

"Ginising mo ako para lang magbukas ng pinto?"

Hindi makapaniwalang ani ko dito na ikinibit balikat lang niya.

Hay! Sarap hilutin ng batok dahil kay Khael. Stress!

"Hindi ko naman bahay ito eh. Malay ko ba kung ang pinagbuksan ko pala ng pinto, banned dito sa bahay niyo."

Anito at saka na naglakad papunta sa kusina. Hay, uubusin nanaman ang ice cream.

Magka-diabetes ka sana. Joke!

"Di daw bahay, pero siya ang umuubos ng pagkain."

Tumayo na ako at naglakad papunta sa main door para pagbuksan ang sino mang kanina pa kumakatok.

Pagkabukas ko ng pinto ay agad bumungad sa harap ko ang kapatid kong may saltik.

"Goodmorning? Duh, can I come in na? Kanina pa ako katok ng katok. "

Mas nalukot pa ang mukha ko dahil ang aga-aga nag-iinarte ang kapatid ko.

Nang hindi ko luwagan ang bukas ng pinto ay itinulak na nito ang pinto at pumasok sa bahay na halos ikatumba ko pa.

"A-aba!"

"Oh my gosh, he's living here?"

Nanlalaki ang mga mata na nilingon ako ng kapatid ko habang nakaturo kay Khael na kumakain ng vanilla ice cream sa bar counter.

"Nakikitulog lang minsan."

Ani ko habang isinasara ang pinto dahil sayang yung lamig ng aircon.

"Oh, why? Wala ka bang kasama sa bahay?"

Tanong nito na ang kinakausap na ay si Khael.

Naglakad na ako papunta sa pinto patungong teresa at ipina-gilid ang kurtinang nakaharang sa glass door nito.

"Wala, kaya dito ako minsan dahil masaya palang matulog kasama ang dalawang baliw na yan."

"Duh, friends kayo right? So baliw ka din? You know, birds with same feathers?"

Doctor Nostalgic [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon