CHAPTER 10 : In the Arms of the Beast

26 0 0
                                    

CHAPTER 10
In the Arms of the Beast

______________________________________

Andrius

"Anong... ginagawa mo dito?"

Hinarap ako nito at mas lalong kumulo ang dugo nang makita ko na ang mukha nito.

Nakangisi ito at gustong gusto ko ng sugudin ang taong ito at bugbugin hanggang sa maging pasyente siya ni Andrei at putulan niya ito ng mga paa at kamay.

Talagang ginagalit niya ako.

Naglakad-lakad ito sa opisina ko na parang nang-iinsulto pa.

"So, ito pala ang opisina mo? Maganda siya ha." Tumigil ito sa paglalakad at saka humarap sa akin.

"Sayang nga lang at... pabagsak na." Pagtuloy nito at saka ngumisi.

Kalma ka lang Andrius, kalma ka lang.

"Sa tingin ko, hindi pa naman." Ani ko na ikinawala ng ngisi niya. Ako naman ngayon ang napangisi.

Alam ko kung bakit siya nandito, at iyon ay dahil sa alam na niyang sa akin ipapamana ang ospital.

"Kaya ba kahit mahirap para sayo, tinanggap mo pa rin ang pasyente ni dad?" Nginisihan ko na lamang ito at saka naglakad papunta sa table ko.

"Ano sa tingin mo? Ayos ba?" Pang-iinsulto ko na ikinadilim ng awra nito.

Kung may alam man ako tungkol sa kanya, iyon ay ang madaling uminit ang ulo niya.

Kung balak niyang pa-initin ang ulo ko, hindi ako papayag. Ako ang magpapakulo ng dugo niya.

"Kung ito ngang pharmaceutical company mo eh nahihirapan ka na, paano ka nakasisiguro na kaya mong hawakan din ang ospital?"

Sa tono pa lang ng boses niya, halatang nang-iinsulto na siya. Pero hindi ako iyong tipo ng tao na hindi binabato pabalik ang binato ng kalaban.

"Ahh... yun ba?" Panimula ko parang napakadali lang ng tanong niya.

"Simple lang naman ang sagot dyan. Ako ay hindi... ikaw."

Nginisihan ko muna ito bago tuluyang umupo sa swivel chair ko.

Kitang-kita ko naman mula sa kinauupuan ko ang pagpipigil noya ng galit.

"Ito ang tatandaan mo Andrius. Mapapasa'kin ang ospital. At... balita ko... parang espesyal sayo ang pasyente. Hindi ka ba natatakot na maulit ang nakaraan?"

Ano?

Nananakot ba siya?

"Kung natatakot ako, bakit ko tinanggap?" Sarkastikong tanong ko sa kanya na mas ikinatagis ng bagang niya.

"Hindi pa dito nagtatapos ang lahat Andrius. Alam mo yan."

Iyon ang huli kong narinig mula sa kanya bago siya tuluyang lumabas ng opisina ko.

Ngunit hindi na mapakali ang isip ko dahil sa mga sinabi niya. Bakit pakiramdam ko tinatakot niya ako gamit si Sofy.

Bakit pakiramdam ko, hindi ligtas si Sofy?

















Sofy

"Oh my!"

Nanlaki agad ang mga mata ko nang makita ang galit na mga mata ng isang babaeng hindi ko kilala.

Doctor Nostalgic [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon