CHAPTER 1 : The Prisoner and the Seeker

43 0 0
                                    

CHAPTER 1
The Prisoner and the Seeker

______________________________________

Sofy

Dati-dati, jogging ang daily routine ko, kaso nga lang noong nag-college ako, nawalan na ako ng time para mag-exercise. Pero ngayon na graduate na ako, syempre madami na ulit akong time para sa ganito kasama ang jogging buddy ko. Si Maxie.

"Kaya mo pa Maxie? Isang ikot na lang." Hinihingal na ani ko kay Maxie na parang hindi naman napapagod.

"Ate!!"

Napalingon-lingon ako nang marinig ko ang boses ng isang batang lalake, at sa di kalayuan, nakita ko ang pinanggalingan ng sigaw na tumatakbo palapit sa akin.

Heto nanaman ang bossy kong thirteen year-old na kapatid. Di hamak na malayong mas matanda ako dito pero kung umasta ito minsan parang siya pa ang mas matanda.

Tumigil kami ni Maxie sa pag-jog at saka lumapit sa bagong dating kong kapatid.

"Ano nanaman ba Sevi?" Hinihingal na nga ako nang-iistorbo pa.

"Tawag ka. Breakfast na daw eh."

Breakfast? Kakadating lang namin dito ni Maxie.

"Anong tawag ako. Kakadating lang namin dito ni Maxie ah." Depensa ko. Minsan kasi ang higpit nitong kapatid ko. Dinaig pa ang striktong magulang.

"Kanina ka pa dito."

"Nakaka-tatlong ikot pa lang kami ni Maxie!"

Nakunot naman ang noo nito na ikinataas ng mga kilay ko. Ano nanaman kaya ang iniisip ng batang 'to.

"Hinihingal ka ba ate?"

Ako? Hinihingal? Mukha ba akong hinihingal?

"Hindi ah." Mabilis na depensa ko at saka nag-iwas ng tingin habang patago kong hinahabol ang hininga ko.

"Wehhh?" Pangungulit nito.

"Hinihingal ka eh. Tatlong ikot pa lang tas ang liit pa ng par--" Mabilis kong tinakpan ang bunganga nito kaya hindi na natuloy pa ang ibang sasabihin. Napaka-pakialamero. Akala mo naman ang lakas-lakas--

"Ahh!" Mabilis kong binitawan si Sevi at tinulak ng bahagya nang kagatin niya kamay ko.

"Bakit mo ko kinagat?!" Gulat na tanong ko.

"Ang higpit ng hawak mo sa bibig ko eh. Tara na, sumunod ka na sakin. Ako nanaman mapapagalitan sayo ate eh. Tsaka dadating na yung bisita maya-maya." Pagmamaktol nito sa akin. Nagpamewang ako at parang batang pinatulan si Sevi.

"Sabihin mo kila mama, dito muna kami ni Maxie sandali. Wag ka magalala kasi susunod din kami mamaya. Okaaaay?" Ani ko at saka hinawakan ito sa balikat at inikot patalikod sa akin.

"P-pero ate--"

"Ba-bye Sebastian!" Pagtataboy ko dito at saka ito nagmamartsang umalis.

"Si Maxie bantayan mo mahilig tumakas yan." Sigaw pa nito habang papalayo.

"Opo Sebastian!" Sagot ko na mas ikina-bwisit pa nito.

Ayaw na ayaw kasi nitong tinatawag siya sa buong pangalan niyang Sebastian. Para daw kasing matanda.

"Pfft. Minsan parang matanda naman, minsan naman parang batang cartoon. Paano ko ba naging kapatid yun? Ah! Basta tayo, mag-eenjoy muna dito, diba Maxie?" Ani ko kay Maxie na tahimik lang at hindi tumatahol.

Doctor Nostalgic [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon