CHAPTER 12 : Inside the Surgeon's Heart

38 0 0
                                    

CHAPTER 12
Inside the Surgeon's Heart

______________________________________

Sofy

"Sofy?"

Mahina man ang pagkakasabi niya ay narinig ko pa rin ang gulat sa boses niya.

Kahit naman ako ay gulat pa rin. Hindi ko lang talaga inaasahan na nandito din siya. Sa lahat ng tao na puwedeng nandito sa walang ka-tao-tao na restaurant, siya pa talaga...

Napangiti na lang ako. Tignan mo nga naman ang pagkakataon.

Naglakad ako palapit sa kanya.

"Nandito ka rin pala."

Ani ko at siya naman ang lumawak ang ngiti.

"Niyaya ako ni Andrei kasama si Khael. Masarap daw kasi dito tulad ng kuwento ni Eli noong kumain kayo dito."

Kwento niya na ikinangiti ko. Totoo iyon. Masarap talaga ang pagkain dito.

"Oo, masarap talaga dito." Sagot ko.

"Ah-- halika, upo ka muna." Pagyaya niya. Tumayo namab siya at saka ipinag-hila ako ng upuan.

Umupo naman ako sa upuan na hinila niya at saka ngumiti dito.

"Salamat."

"Nga pala, saan ka galing? I mean... may mga nag-iba kasi sayo." Kapagkuwan ay tanong niya na siyang ikinatawa ko.

"Kung nagtataka ka kung bakit ganito ang suot ko at ang hitsura ko, wag na. Dahil kung si Eli ang kasama mo, hindi na malabong mangyari araw-araw ang ganito."

Ani ko habang nai-iling nang maalala ang mga pinag-gagagawa sa akin kanina.

Natigil ako nang mapansing walang kibo si Andrius.

"Andrius, ayos ka lang? May nasabi ba akong hindi maganda?"

"Hindi, wala. Bagay sayo, mas lalo kang gumanda."

Anito na nagpatigil sakin.

Simpleng pag-puri lang nang yun. Pero kung tanggapin ng puso ko, parang sasabog na sa lakas ng pagtibok.

Pinilit kong ngumiti para itago ang kakaibang epekto ng mga salita niya sa akin.

"Ikaw talaga. Hindi naman iyon ang tanong ko eh." Palusot ko. Ramdam ko na din ang pag-iinit ng mga pisngi ko.

Sofy wag!

"Pero iyon ang totoo." Sagot niya.

Napalingon na lang ako sa paligid dahilsa pagka-ilang at para na din itago ang pamumula ng pisngi ko.

Kung mapansin man niya, sasabihin ko na lang na dahil yan sa facial treatment!

Ah, tama! Baka nga dahil sa facial treatment kaya parang mainit ang mga pisngi ko!

Tama, tama!

"Bakit kaya walang tao dito ngayon? Madaming tao dito nung kumain kami ni Eli eh." Pag-iiba ko ng usapan habang inililibot ko ang tingin ko sa paligid. Ngayon ko lang mas na-appreciate ang ganda nito. Meron itong 19th century interior design na may halong pagka-moderno.

"Oo nga eh. Tingin ko nga alam ko na kung bakit walang tao dito at kung bakit tayo nandito ngayon." Sagot nito na ikinataas ng mga kilay ko at ikinalingon ko sa kanya.

"Ano yun?" Kuryusong tanong ko.

"Wala. Siguro may mga tao lang talaga na walang ibang magawa sa buhay nila."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Doctor Nostalgic [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon