CHAPTER 5 : The Leash That Holds Their Misery

35 0 0
                                    

CHAPTER 5

The Leash That Holds Their Misery

______________________________________

Andrei

Bakla bakla bakla

"Halikan kita dyan eh."

Pinout ko na ang mga labi ko para halikan ang babaeng nasa harap ko na inaasar akong bakla.

Malapit na... ilang centimeter na lang--

"Buh!"

"Oh gising ka na pala?"

Aray! Napahawak pa ako sa nguso ko na tumama sa sahig.

"Ha! Anyare sayo? Balak mo bang pakasalan yang sahig?"

Tinapunan ko na lang ng masamang tingin si Khael na kakagaling lang ata sa kusina at may dala-dala nanamang vanilla ice cream ni Kuya Andrius.

Sa totoo lang mas matanda itong si Khael sa akin. Halos ka-edad niya si Kuya Andrius. Kaso masyado kaming close na tatlo kaya parang walang mas nakakatanda walang mas nakababata.

"Lagot ka kapag nakita ka nanaman ni Kuya na kinakain ang ice cream niya."

Kakabili lang ni Kuya kahapon. Tsk.

Napamasahe pa ako sa batok ko habang tumatayo mula sa pagkakahulog sa sahig at saka umupo ng maayos sa sofa.

May sarili naman akong kuwarto. May dalawang bakanteng kuwarto din naman para sa mga bisita. Pero lagi na lang kaming nakakatulog dito sa sala lalo na kapag nandito si Khael.

At sa tuwing nakakatulog kami dito sa sala, lagi na lang nangyayari ang kinaiinisan kong pagkahulog sa sofa.

Tsk.

"Lagi naman niya akong nahuhuli sa pagkain ko ng ice cream niya. Ang iniisip ko, eh bakit lagi kang nahuhulog sa sofa ng nakanguso?"

Anito nang nakaupo na at parang nag-iisip pa habang tinuturo-turo pa sa ere ang kutsarang gamit niya.

Natigilan naman ito at saka lumingon sa akin nang may mapanuksong mata.

"Epekto yan ng walang jowa no?"

Mabilis na nanlaki ang mga mata ko.

"Oh diba? Hanggang ngayon wala ka pang jowa."

Napaisip naman ako. Oo nga, wala pa akong jowa. Guwapo naman ako. Pero ewan! Wala naman akong makitang babaeng nagugustuhan ko.

Sumandal na lang ako sa sofa at niyakap ang isang throw pillow habang nakakayang na ipinatong sa center table ang dalawang paa ko.

"Alam mo, kung ako sayo, gayahin mo ako. Alam ko na, gusto mo turuan na lang kitang mangligaw?" Anito na ikinakunot ng noo ko sa kanya.

Luh, nagsalita nanaman.

"Nagsalita ang may jowa. Eh baka naman kasi pag magpaturo ako sayo mas lalong hindi ako magkajowa." Pangbawi ko.

"Grabe ang sakit nun ah. Tsaka... alam mo na, hinihintay ko pa rin si Betty."

Mabilis na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"H-ho-- teka! Kailan pa naging Betty ang tawag mo sa kapatid ko? Bakit close kayo? Ni anino mo nga di pa niya nakikita." Ani ko dito na ikinagulat niya.

Doctor Nostalgic [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon