Kabanata 1

38 2 0
                                    

Ngalay akong umupo sa sofa dahil sa may kalakihan na ang tiyan ko. Napabuntong hininga ako bago sinapo ang tiyan.

"Kapit ka lang d'yan, anak. Konti nalang lalabas kana. Makikita na kita." Biglang may sumipa sa may bandang puson ko kaya lalo akong ngumiti.

Nawili ako sa pakikipag-usap sa anak ko hanggang sa narinig kong bumukas ang pinto. Dahan dahan akong tumayo bago ito nilingon.

Nakasalubong ko ng tingin si Pierce, unti-unting bumaba ang tingin niya sa malaki kong tiyan bago umiwas ng tingin.

Kumalat ang pait sa sistema ko dahil sa reaksyon niya. Ganoon na ba niya kaayaw makita ang magiging anak namin? Na kahit tignan lang ang tiyan ko ay hindi na niya magawa?

May marinig akong boses ng babae, napangiti nalang ako ng mapait at napailing.

Noon, tuwing nag-uuwi siya ng babae ay nagagalit ako, nag-aaway kami pero kailanman ay hindi ako nanalo dahil isang sikmura at sampal niya lang sa akin ay umikot na ang paningin ko.

Akala ko noong may nangyari sa amin ay magbabago ang pakikisama niya pero hindi rin pala, nang magising ako noong umaga ay balik na naman sa dati na lalong ikinasama ng loob ko, nagkamali lang ata siya ng dampot sa akin, akala niya siguro ay isa ako sa mga babae niya.

Pero lahat ng sama ng loob ko ay nawala nang malaman ko na buntis ako.

Tuwang tuwa akong umuwi noon para ibalita sa kaniya na magkaka anak na kami, nagbabaka sakali na maayos namin ang pagsasama namin pero mali nanaman ang akala ko.

"Ipalaglag mo." Kumuyom ang kamay ko dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam na ganito pala talaga sya kasama na kahit ang walang muwang na bata sa sinapupunan ko ay idadamay niya sa galit niya sa akin.

"Kung ayaw mo akong panagutan hindi kita pipilitin." Nanginginig kong sabi dahil sa galit.

"Aalis na ako dito dahil hindi ko na kaya pakisamahan ang lalaking katulad mo! Wala ng babae ang pipiliing mahalin ka dahil hindi ka naman kamahal mahal, Pierce! Hindi ka na makakahanap ng babaeng mananatili sa tabi mo sa kabila ng kagaguhan mo." Galit kong sabi bago tumalikod at naglakad papunta sa kwarto ko.

Nagmamadali kong inilagay sa isang malaking bag ang mga damit ko hanggang sa napasapo ako sa dibdib ko dahil sa sakit.

Lahat ng sinabi ko sa kanya ay hindi totoo. Kamahal mahal si Pierce dahil hindi ako magpapakamartir kung hindi . Nagsisisi ako dahil sa masasakit na salitang sinabi ko pero natatabunan iyon ng galit tuwing naiisip ko na gusto niyang ipalaglag ang anak ko. Ang anak namin.

Kung sakali man na makita na niya ang babaeng para sa kaniya talaga. Kahit masakit sa akin ay tatanggapin ko.

Pababa na ako ng hagdanan nang makita ko siyang nakasandal sa labas ng pinto ng kwarto niya na nasa tabi mismo ng hagdanan.

Dahan dahan akong naglakad palapit sa kaniya bago nagsalita.

"Kapag maayos na ang lagay ko ay babalik ako dito para pirmahan ang annulment papers." Sabi ko bago nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi ko lubos maisip na aabot kami sa ganito, na sa apat na taon kong paglaban para sa aming dalawa ay mauuwi lamang sa wala.

PUMIKIT ako nang mariin at umiling para iwaksi ang mga ala-alang iyon.

"Maupo ka muna." Walang emosyon niyang sabi na sinunod ko nalang.

"Pipirmahan ko na ang annulment papers." Mariing sabi ko habang nakatingin sa kaniya.

Wala akong nakuhang sagot dahil nakatingin lamang siya sa tiyan ko at maya-maya pa ay nabalutan nang pagkamangha ang mukha niya.

"Gumagalaw siya." Manghang sabi niya na ikinangiwi ko dahil ramdam akong ang pagsipa ng anak ko.

"Masakit?" Nangangambang tanong niya nang makita na nakangiwi ako. Ngumiwi ako dahil hindi parin tumitigil sa pagsipa ang anak ko.

Pakiramdam ko ay nangungulit dahil alam niyang ama niya ang kausap ko. Suminghap ako at umayos ng upo.

Umiling ako bilang sagot sa tanong nya.

"Normal lang na gumagalaw sya, Pierce." Sabi ko at umiwas ng tingin dahil bakas pa rin sa mukha niya ang pagkamangha sa nakita.

"Nasaan ang annulment papers?" Tanong ko ulit.

"Hindi pa naipapadala." Maikling sabi niya sapat na para masagot ang tanong ko.

Dahan dahan akong tumayo.

"Ito ang number ko, tawagan mo nalang ako kapag naipadala na." Sabi ko at inabot sa kaniya ang papel bago tumalikod.

Napangiwi ako nang sumipa ulit ang anak ko. Pinigilan kong humikbi.

Hinding hindi kita ipipilit sa ama mo, anak. Hindi ko hahayaan na maramdaman mo na hindi ka mahalaga.

Girls Series 1: GrievingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon