Kabanata 3

30 1 0
                                    

"Si papa" habol ang hininga niyang sabi habang kalong kalong ko siya.

"Parating na siya, anak." Sabi ko habang humihikbi.

Ang sakit sakit na ng nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung saan ko ilalagay ang sakit.

"Tahan kana, mama." Hirap niyang sabi bago pinunasan ang luha ko.

"Anak, konti pa please? Konting panahon pa." Pakiusap ko sa kaniya.

"Pero pagod na po ako, mama." Hirap na hirap niyang sagot sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang isubsob sa leeg niya ang mukha ko at doon humagulhol.

"Paano ako, anak? Paano si mama? Mag-isa nanaman ako." Hikbi ko.

"Babantayan kita araw-araw, mama. Pag malungkot ikaw, malungkot din ako." Utal-utal niyang sabi habang nilalaro parin ang buhok ko.

Umiyak lang ako nang umiyak sa leeg nya. Yakap yakap siya ng mahigit dahil alam kong ito na ang huli. Pagkatapos nito ay wala na, hindi ko na siya makikita ulit, hindi ko na siya mahahawakan.

"Papa" mahinang daing niya dahilan para mapatunghay ako at doon ko nakita si Pierce na mabagal na naglalakad palapit sa amin.

Nang makalapit siya sa amin ay lumuhod siya sa harapan ang nilapit ang mukha kay Pia.

Inangat ni Pia ang kamay nya at hinawakan sa pisngi si Pierce. Hindi ko alam na doble pala ang sakit pag nagkita sila. Ang sakit sakit dahil ito ang una at huling beses na makikita ni Pia ang ama nya.

Tumingin sa'kin si Pierce.

"Pia ang pangalan niya." Hikbi ko. Ang sakit sakit dahil ultimo pangalan ng anak namin ay hindi niya alam.

"Papa" habol ang hiningang tawag ni Pia at pinisil ang pisngi ni Pierce.

"Bakit ang tagal mo po umuwi?" Bagamat hirap sa pagsasalita ay nagawa parin nya iyong itanong.

Walang maisagot si Pierce sa kanya. Tahimik lang itong nakatingin sa bata na parang kinakabisa ang mukha nito.

"Ang tagal po kitang hinintay." Dugtong ni Pia. Walang namuthawing salita kay Pierce, nakatingin lamang ito kay Pia at hindi ko mabasa ang emosyon na meron sa mukha niya.

Inabot nito ang kamay ni Pierce at hinahawakan ang isang daliri nito. Pumikit muna siya bago bumuntong hininga.

"Alagaan mo po si mama" hikbi nito bago huminga nang napakalalim.

Unti unting bumitaw ang pagkakahawak niya sa daliri ni Pierce.

Doon na ako tuluyang pumalahaw ng iyak. At paulit ulit na tinawag ang pangalan niya. Umaasa na maririnig niya ako at babalik siya.

"Yung anak natin, Pierce." Hagulhol ko habang nakatingin sa kaniya at sa unang pagkakataon, nakita kong unti-unting tumulo ang mga luha niya.

Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko at ganito kalala ang parusang ibinigay sa akin.

Girls Series 1: GrievingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon