Kabanata 5

26 1 0
                                    

Imbis na umuwi ay sumama siya dito sa tinutuluyan namin ni Pia.

Basang basa ang leeg at balikat ko dahil sa luha niya nang matapos siyang umiyak.

Tahimik siyang nakaupo doon sa kama at nilalaro ang daliri. Napangiti ako dahil sa itsura niya, ang laki laking tao tapos naglalaro pa ng daliri. Lumapit ako sa kanya dala ang isang basong tubig.

Pulang pula ang matangos niyang ilong dahil sa pag-iyak. Sa kaniya rin iyon namana ni Pia.

"Hindi ka pa uuwi?" Mahinahon kong tanong sa kaniya at umupo sa tabi niya.

"Dito muna ako" mahinang sagot niyo, imbis na tumanggi ay hindi nalang ako nagsalita.

MALALIM na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Rinig ko rin ang singhot ni Pierce sa tabi ko, kahit pilitin niyang h'wag mag-ingay ay alam kong umiiyak nanaman siya.

"Pulang pula na ang ilong mo kaiiyak." Sabi ko at humarap sa kaniya.

"Nagsisisi ako, Mira. Sising-sisi ako dahil ibinunton ko sa'yo ang galit ko. Isinisi ko sa'yo ang lahat kahit na wala ka namang kasalanan." Sabi niya at umiwas ng tingin.

"Sa'yo ko sinisi kung bakit hindi ko nagawa ang mga bagay na gusto ko dahil pinakasal ka sa akin, kahit na ang totoo, napakaraming araw ang sinayang ko para sa mga walang kwentang bagay." Pumikit lamang ako at nakinig sa mga sinasabi niya.

"Akala ko sinira mo ang pangarap ko, 'yon pala ay ikaw mismo, kayo mismo ng anak natin ang pangarap ko." Nangangatal ang boses na sabi niya.

"Gusto ko kayong puntahan pero wala akong mukhang maihaharap sa inyo ng anak natin. Hiyang hiya ako sa mga nagawa ko sa'yo noon, napakagago ko para pagbuhatan ka ng kamay at mangbabae sa harap mo mismo." Ramdam ko ang pagsisisi niya sa bawat salitang sinasabi niya.

"Gusto ko kayo lapitan pero pinagkasya ko ang sarili ko na tignan nalang kayo sa malayo." Sabi niya na ikinagulat ko.

"Sinusundan ko kayo kapag wala akong ginagawa at nagsisisi ako dahil hindi ko kayo nilapitan." Sinapo niya ang pisngi ko at pinahiran ang mga luha.

"Alam ko ang pangalan ng anak natin, Mira. Alam ko kung saan mo siya pinanganak dahil nandoon ako, dinig ko ang sigaw mo at narinig ko ang unang iyak ng anak natin." Sabi niya habang pinupunasan parin ang mga luha ko.

"Ang hindi ko alam ay ang may sakit pala siya, Mira. Hindi ko alam." Sabi nya bago muling bumuhos ang mga luha niya.

"I'm sorry, Mira. Sa lahat ng mga nagawa ko sa'yo noon. Kung gusto mo saktan mo ako, magalit ka sa akin, lahat tatanggapin ko basta hayaan mo akong bumawi sa'yo." Hindi ako makapaniwala na ang kilala kong Pierce na matapang at masungit ay nasa harapan ko ngayon at basang basa ng luha.

Wala akong isinagot sa kaniya at bagkus ay sumiksik ako sa dibdib niya at doon umiyak nang umiyak.

Inaamin kong nagalit ako sa kanya noon lalo na noong sinabi niya na ipalaglag ko ang anak namin. Pero pagod na akong magtanim ng sama ng loob.

Kung masasaktan man ako ulit dahil kay Pierce ay tatanggapin ko nalang ulit.

Dahil kahit nagdadalamhati ang puso ko ay hindi parin nito maaalis ang pagmamahal ko kay Pierce.

My grieving heart will always love him.

Girls Series 1: GrievingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon