Sa isang iglap, napakaraming nangyari sa buhay ko.
Hindi pa ako nakakaahon sa naunang sakit na naranasan ko ay may panibago na namang dumating.
Patong patong ko na 'tong pinapasan at pagod na pagod na ako.
Gulong gulo ang isip ko ngayon at ang tanging gusto ko lamang muna ay ang mag-isa. Gusto ko munang pagalingin ang puso ko sa sunod sunod na sakit na pinagdadaanan ko dahil pakiramdam ko, kapag may dumating nanamang trahedya sa akin ay baka hindi ko na kayanin.
Gusto ko munang mahalin ang sarili ko, gusto kong bigyan ng pakakataon ang sarili ko na makahinga at mamuhay nang walang ibang iniintindi.
Gusto ko munang maging makasarili.
Sarili ko nalang muna ang iintindihin ko at kapag kaya ko na, tsaka ulit ako magpapapasok ng tao sa buhay ko.
Gusto ko mang manatili sa tabi ni Pierce ay hindi pwede dahil pakiramdam ko, iniisip niya lang na responsibilidad niya ako kaya gusto niyang manatili ako sa buhay niya.
Hindi rin naman kami magtatagal kung pagod ang puso ko at puno ng pagdududa ang isip ko.
Kung may mapapagtanto man siya habang wala ako ay tatanggapin ko nang buong buo.
Kung mapapagtanto niya na wala talaga siyang nararamdaman para sa akin ay tatanggapin ko.
Kung makakahanap siya ng iba habang wala ako ay tatanggapin ko.
Para sa kanya ay tatanggapin ko lahat.
Akala ko ay kaya ko na ulit sumugal kay Pierce, akala ko lang pala iyon.
Ayokong magmadali. Ayoko na munang sumugal sa bagay na panandalian lang. Gusto ko, pag sumugal ako ay doon sa sigurado sa akin. Pagod na akong maiwan sa ere at mag-isang lumagapak.
Kung ano man ang kahantungan ng desisyon kong ito ay tatanggapin ko.
BINABASA MO ANG
Girls Series 1: Grieving
General FictionMira Alcantara. Isang babae na napasok sa isang kasal na walang pagmamahal. Isang babae na puno ng pangungulila sa magulang, sa anak, at sa asawa. Matutunan kaya niyang buksan muli ang puso niyang pagod na sa pagdadalamhati?