Namatay ang mama ko dahil sa panganganak sa akin samantalang ang papa ko naman ay namatay dahil sa sakit sa puso noong 20 years old ako.
Matalik na kaibigan ng ama ko ang ama ni Pierce kaya naman bago ito namatay ay ipinagkasundo ako kay Pierce na hindi ko tinaggihan dahil noon pa lamang ay gusto ko na talaga siya.
Sumalungat si Pierce sa kasunduan na iyon pero tinakot siya ng ama niya na tatanggalan siya ng mana kung hindi siya magpapakasal sa akin.
Ang kasal namin noon ay hindi papangarapin ng sino man dahil basta nalang kami pinapirma noon sa papel dahil ayaw ni Pierce ng enggrande at ayaw rin niya malaman sa publiko na kasal na siya. Masakit man sa parte ko ay pinili ko nalang makuntento sa bagay na iyon.
Ang mga magulang ni Pierce ay sa ibang bansa na naninirahan, hindi ko alam kung saang bansa dahil may bahay naman sila kahit saang lugar.
"Bakit umalis ka na doon sa trabaho mo sa coffe shop?" Tanong Jean, katrabaho ko dito sa restaurant.
"Mag-isa nalang ako, Jean. Sapat na sa akin ang isang trabaho." Simpleng sagot ko. Biglang nalungkot ang mukha nito. Madalas kasi itong dumalaw sa amin noon kaya kahit papaano ay may pinagsamahan din sila ni Pia.
"Hindi pa rin ako makapaniwala.." mahinang sabi nito.
"Kahit ako, hindi ko matanggap na maiksing panahon ko lang nakasama ang anak ko." Ngumiti ako.
"Pero kailangan ko ituloy ang buhay ko dahil malulungkot si Pia kung susuko ako." Nakangiti kong wika.
Nginitian lang ako ni Jean at sinenyas na dadalhin niya muna ang order ng isang customer.
7pm na ng mag out kami ni Jean, naglalakad kami papuntang sakayan nang kalbitin ako ni Jean at may ituro sa parking. Taka kong sinundan ang tinuro niya at bahagyang nanlaki ang mata ko nang makita ko si Pierce na nakasandal sa kotse niya at seryosong nakatingin sakin.
Alanganin akong tumingin kay Jean na ngayon at nagtataka nang nakatingin sakin.
"Kilala mo?" Tanong niya na tinanguan ko lang.
"Ay pak! Sino? Ang gwapo ha!" Sabi nya na sinundan ng hagikhik.
"Siya si Pierce." Sabi ko na ikinalaki ng mata niya at nagtakip pa ng bibig.
"Nakasungkit ka, sis!" Tili niya sabay halakhak, pati ako ay natawa dahil sa pagiging kalog niya. "Lapitan mo na, mukhang ikaw naman ang iniintay niyan." Asar niya sa'kin sabay tulak at takbo paalis, napailing nalang ako sa inasal niya.
Nakatungo akong naglakad palapit kay Pierce, hindi ko siya matignan ng deretso dahil napakaseryoso ng tingin niya sa akin.
Ilang hakbang nalang ang layo ko nang biglang humarang sa harap ko si Leo, isa rin sa katrabaho ko. Nagtataka akong tumingin sa kanya.
"Pauwi kana rin? Sabay na tayo." Nakangiting sabi nito. Sasagot pa lamang ako nang maramdaman kong may brasong pumulupot sa bewang ko. Natigilan ako dahil kilala ko kung sino iyon. Nang tumingala ako ay nakita kong seryoso itong nakikipagtitigan kay Leo.
"Sa susunod nalang pala, Mira." Nakangiting sabi nito na tinanguan ko nalang.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko nang makaalis si Leo pero hindi ito sumagot at iniwas lang ang tingin.
"Kumain ka na?" Tanong nya.
"Hindi pa." Sagot ko at nagulat ako nang bigla niya akong pinapasok sa loob ng kotse nya
"Uuwi na ako, Pierce." Seryosong sabi ko pero tila wala siyang narinig at bakas sa mukha niya ang pagkairita na ikinataka ko.
"Sabi ko, uuwi na ako." Ulit ko pero irita niya lang akong sinulyapan at nagpatuloy sa pagmamaneho.
"Kumain ka ba ng tanghalian?" Tanong ulit nya at napaisip naman ako, wala akong maalala na kumain ako ng tanghalian.
"Hindi ka kumain ng tanghalian tapos gabing gabi na hindi ka pa naghahapunan." Irita niyang sabi.
"7 palang, Pierce." Pagdadahilan ko. Hindi niya ako sinagot at maya maya pa ay tumigil kami sa isang mamahaling restaurant na ikinataranta ko.
Mabilis siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto bago naunang maglakad. Halos matisod ako para lang masabayan ang malaki niyang hakbang.
"Bakit dito? Wala akong pambayad!" Taranta kong sabi.
"Sino bang may sabi na ikaw ang magbabayad?" Irita nyang sagot na ikinanguso ko nalang.
Hanggang sa dumating ang inorder niya ay walang umimik sa aming dalawa.
"Anong ginagawa mo sa pinagtatrabahuhan ko?" Tanong ko ulit habang nakain.
"Sinusundo ka." Simpleng sagot niya.
Kumunot ang noo niya nang mapansing kakaunti lang ang nasa plato ko.
"Ang dami daming nakahain tapos 'yan lang ang kakainin mo?" Inis na sabi niya bago nilagyan ng pagkain ang plato ko, hindi na ako nagreklamo dahil gutom rin naman ako.
Pauwi na kami nang mapansin kong ibang daan ang nilikuan niya.
"Hindi ito ang daan pauwi." Nagtatakang sabi ko.
"Ito ang daan pauwi." Sagot niya.
"Hindi nga. Ibalik mo ako sa restaurant o kaya naman ay ibaba mo nalang ako jan kung ayaw mo akong ihatid--"
"Uuwi tayo sa bahay natin." Putol niya sa sinasabi ko na ikinatameme ko.
"Ano bang sinasabi mo?" Iritado kong tanong na hindi niya sinagot at imbis ay pinabilis nalang ang takbo ng sasakyan.
Lalong uminit ang ulo ko nang pinarada niya ang sasakyan sa tapat ng bahay namin noon. Dali dali akong bumaba at imbis na pumasok sa loob ay naglakad ako palayo.
BINABASA MO ANG
Girls Series 1: Grieving
General FictionMira Alcantara. Isang babae na napasok sa isang kasal na walang pagmamahal. Isang babae na puno ng pangungulila sa magulang, sa anak, at sa asawa. Matutunan kaya niyang buksan muli ang puso niyang pagod na sa pagdadalamhati?