"Lagi ka niyang tinatanong sa'kin, Pierce. Lagi ka niyang hinahanap." Basag ko sa katahimikan.
"Sinasagot ko nalang na nagtatrabaho ka sa malayo, kaya noong nakita ka niya ay tinanong niya kung bakit ang tagal mo umuwi." Nag-una unahan nanaman sa pagtulo ang mga luha ko.
Dinama ko ang sariwang hangin dito sa burol.
"Mahilig siya ngumuso, mahilig siya sa pagkaing may sabaw, hilig niya laruin ang buhok ko, hilig niya laruin ang daliri ko at daliri niya. Mababaw lang ang kaligayahan niya. Konting biro ko lang tatawa na agad siya nang matagal." Nakangiti habang umiiyak kong kwento. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa sakit.
"Mahal ka ng anak natin, Pierce." Sabi ko at pumikit ulit. Ang hapdi na ng mata ko pero hindi parin ako tumitigil sa pag-iyak.
"Hindi ko alam kung paano ako, kung saan ako magsisimula at kung paano ko itutuloy ang buhay ko ngayon." Mahinang sabi ko.
Namayani ulit ang katahimikan sa amin bago ako nagpasyang tumayo.
"Uuwi na ako, mag-ingat ka pauwi." Maikling sabi ko bago naglakad palayo.
"Mira" humarap ako sa kaniya nang marinig ko ang tawag niya pero mahigpit na yakap ang sumalubong sa akin na ikinagulat ko.
Nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko at doon siya umiyak nang umiyak.
Bawat singhap niya ay ramdam ko ang lungkot at pagsisisi niya pero lahat ng iyon at wala nang magagawa dahil bali-baliktarin man ang mundo, wala na ang anak ko.
Wala na si Pia.
BINABASA MO ANG
Girls Series 1: Grieving
General FictionMira Alcantara. Isang babae na napasok sa isang kasal na walang pagmamahal. Isang babae na puno ng pangungulila sa magulang, sa anak, at sa asawa. Matutunan kaya niyang buksan muli ang puso niyang pagod na sa pagdadalamhati?