Kanina pa ako paikot-ikot dito sa park pero hindi ko talaga makita si Pia, unti-unti na akong nilalamon ng kaba.
Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko siyang nakatayo sa may gitna at nilalaro ang daliri niya habang nakanguso. Sinundan ko ang tinitignan niya at kumalat ang pait sa sistema ko nang makita kong mag-ama ang tinitignan niya, nakababa sa balikat ng lalaki ang anak niya.
Pinigil ko ang luhang gusto kumawala sa mata ko tsaka siya nilapitan.
"Pia, kanina pa kita hinahanap. Diba sabi ko wag kang basta basta aalis sa tabi ko?" Sabi ko dito at pinahiran siya ng pawis. Nakanguso lang ito habang nakatingin sa akin.
Naninikip ang dibdib ko dahil alam kong gustong gusto na niya magtanong tungkol sa ama niya pero pinipigilan lang niya ang sarili .
PAGKARATING namin sa bahay ay pinakain ko muna siya at pinainom ng gamot bago nilinisan.
Nang nakahiga na siya ang bahagya nyang hinila ang laylayan ng damit ko, nakanguso ulit ito bago nagtanong.
"Mama, bakit wala akong papa?" Medyo utal pa niyang tanong.
"Diba sabi ko sa'yo noon na nagtatrabaho ang papa mo sa malayo?" Pagdadahilan ko habang inaayos ang kumot niya, hindi ko siya matignan nang diretso.
"Kailan po siya uuwi? Baka hindi ko po siya maabutan." Sabi nito habang kinakagat ang kuko niya na para bang wala lang sa kaniya ang sinabi.
"Hindi ka dapat ganiyan magsalita, Pia. Paanong hindi mo maaabutan? Gagaling ka anak kasi malakas ka." Mariin kong wika habang pinipigil ang mapaluha.
"Pero pagod na po ako, mama." Sabi niya na ikinatungo ko at tuluyan nang napaluha.
Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng tao sa mundo ay anak ko pa ang napiling pahirapan ng ganito.
Hindi pa ba sapat ang sakit na dinanas ko noon at pati ang anak ko ay kailangan makaranas ng sakit.
Umayos ako ng higa at nilaro ang buhok ni Pia. Bakas sa mukha niya ang pagod. Maputla ang labi at payat pero hindi nito maiitago ang ganda niya, nakuha niya sa ama niya lahat, mula sa mata, ilong, bibig at hanggang sa pag ngisi at kuhang kuha niya.
May butas ang puso ni Pia. Sabi ng doktor ay pwede naman daw operahan pero malaking pera ang kailangan at napakaliit lang daw ng chance para makasurvive.
Hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko hanggang sa si Pia na ang nagdesisyon, ayaw niya magpa opera. Hangang hanga ako sa anak ko dahil sa edad na anim ay naiintindihan na niya agad ang sitwasyon niya.
Sabi niya sa akin, kung gaano man daw katagal ang ibigay sa kaniya ng Diyos ay tatanggapin niya.
Noong araw na iyon ay umiyak lang ako nang umiyak, hinang hina ako sa lahat, wala akong matakbuhan, wala akong makapitan kundi ang sarili ko.
LUMIPAS ang araw at humina nang humina ang katawan ni Pia. Kung dati ay nakakalakad pa siya, ngayon at nakahiga nalang siya lagi.
Durog na durog na ang puso ko.
Hindi ko matanggap na kahit anong oras ay pwede siyang mawala sa akin.
"Mama" hinang hina nyang tawag sa akin.
"Bakit, baby?" Malambing kong tanong habang pinipigilan ang mapaluha.
Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita.
"Si papa" sabi niya habang habol ang hininga at nilalaro ang buhok ko.
Tuluyan na akong napahikbi dahil alam kong ito na. Ito na ang pinaka ayaw kong araw.
Humihikbi kong tinawagan si Pierce. Nakatatlong ring ito bago nya sinagot
"Sino 'to?" walang gana niyang tanong.
"Kailangan ka ng anak mo." Hikbi ko bago pinatay ang tawag at isinend sa kaniya ang address.
BINABASA MO ANG
Girls Series 1: Grieving
General FictionMira Alcantara. Isang babae na napasok sa isang kasal na walang pagmamahal. Isang babae na puno ng pangungulila sa magulang, sa anak, at sa asawa. Matutunan kaya niyang buksan muli ang puso niyang pagod na sa pagdadalamhati?