Wakas

31 1 0
                                    

"Marupok." Sinamaan ko ng tingin si Jean na ngising ngisi sa akin.

"Isa pang sabi ng marupok, Jean.." banta ko sa kaniya.

"Marupok." Binato ko siya ng suklay na hawak ko. Ang lakas talaga ng topak ng babaeng 'to.

"Joke lang." Sabi niya tsaka binalik 'yong suklay ko.

"Ikaw nga maharot e." Sabi ko na ikinasimangot niya.

"Isa lang naman ang hinaharot ko." sagot niya na ikinatawa ko. Baliw na baliw talaga siya sa suplado naming manager.

"Bilisan mo na d'yan, nag-iintay na 'yong sasakyan mo sa labas." Sabi niya at nauna nang lumabas.

Bumalik ulit ang malakas na kabog ng puso ko. Tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Simple lang ang wedding gown na suot ko pero gustong gusto ko ang disenyo nito.

Huminga ako ng malalim at nag-usal ng isang maikling dasal bago lumabas.

Makalipas ang ilang minuto ay nasa harap na kami ng simabahan. Nagmamadaling bumaba si Jean at pinagbuksan ako ng pinto.

"Bilisan mo, sis!" Tili nya na para bang siya ang ikakasal.

Nang makapwesto ako ay unti unting bumukas ang malaking pinto ng simbahan at bumungad sa akin ang mga taong magiging saksi ng kasal namin ni Pierce.

Sa dulo ay nakita ko si Pierce na nakangiti pero may tumutulong luha sa mga mata.

Habang naglalakad ay isa isa kong binalikan lahat ng pinadaanan ko. Simula sa pagkamatay ng aking ama, sa sapilitang kasal namin ni Pierce, at ang pagkawala ni Pia.

Ngumiti ako ng matamis kay Pierce.

Kung nasaan ka man ngayon, anak, gusto kong malaman mo na masayang masaya ako ngayon at sana ay masaya ka rin.

Nang makalapit ako ay sinalubong ako ng mama at papa ni Pierce.

"Simula umpisa pa lang, alam kong ikaw talaga ang para sa anak namin." Nakangiting sabi ni Tita Bree, ina ni Pierce. Sinagot ko ito nang ngiti dahil hindi ko na makayang magsalit dahil sa nag-uumapaw na emosyon.

Nang makalapit ako kay Pierce ay hinapit kaagad ako nito sa bewang at bumulong.

"No more running, baby."

----------

See you sa series 2 :)

Girls Series 1: GrievingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon