Akala ko pagkatapos ng sakit, may kapalit na saya.
Ilang beses akong humiling. Ilang beses kong hiniling na konting panahon pa.
Pero sadyang malas lang siguro ako kasi hindi ako napagbigyan.
Hindi ko na alam kung paano ako. Kung saan ako magsisimula pagkatapos ng lahat ng 'to. Pagod na pagod na ako.
Nagbagsakan ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan, tumingala ako sa langit bago nagsalita..
"I'm sorry, anak. Hindi ko kaya, hindi na kaya pigilin ni mama, let me cry and I promise, pagkatapos nito itutuloy ko ang buhay ko. Kahit hindi ko alam kung paano." Nasapo ko ang dibdib ko sa sobrang sakit.
Hindi ko matanggap, anak. Hindi ko matanggap na wala kana.
Hindi ko matanggap na saglit lang kita nakasama, na saglit lang kita naalagaan.
Kailanman, hinding hindi ko matatanggap.
Umiyak lang ako nang umiyak, umaasa na kahit papaano ay maiibsan ang sakit na nararamdaman ko pero alam ko, niloloko ko lang ang sarili ko.
Maghapon ako nakaupo dito sa taas ng burol, kita ko ang mga nagtataasang gusali. Itong lugar na ito ang takbuhan ko kapag nasasaktan ako.
Maaliwalas paligid at maganda ang tanawin pero kahit gaano pa kaganda ang lugar na ito, hindi nito mapaganda ang nararamdaman ko.
Pumikit ako ang dinama ang hangin nang may naramdaman akong umupo sa tabi ko.
Kahit hindi ko imulat ang mata ko, amoy pa lang ay alam ko na kung sino.
"I'm sorry." his voice is shaking, palatandaan na pinipigil niyang umiyak.
Napangiti ako ng mapait nang bumalik lahat ng masasamang ala-ala.
BINABASA MO ANG
Girls Series 1: Grieving
General FictionMira Alcantara. Isang babae na napasok sa isang kasal na walang pagmamahal. Isang babae na puno ng pangungulila sa magulang, sa anak, at sa asawa. Matutunan kaya niyang buksan muli ang puso niyang pagod na sa pagdadalamhati?