Kabanata 7

17 1 0
                                    

"Mira" tawag ni Pierce sa akin pero hindi ko pinansin. Nakailang tawag ito sa akin pero deretso lang ako sa paglalakad. Nagulat na lamang ako nang bigla ako nitong kargahin ng parang sako ng bigas.

"Uuwi na ako, Pierce. Ano ba!" Gigil na gigil kong sigaw sa kaniya.

"Nandito na tayo sa bahay, Mira." Nang-aasar niyang sagot bago ako iniupo sa sofa.

"Hindi ito ang bahay ko." Seryosong sabi ko sa kaniya.

Nameywang sya sa harap ko bago ako tinitigan ng maigi.

"Ito ang bahay mo, Mira." Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo sa sobrang galit sa mga pinag gagagawa niya.

"Hindi ito ang bahay ko at kahit noon pa hindi ko ito tinuring na bahay dahil puro sakit at pagdurusa lang ang naranasan ko dito!" Sigaw ko.

"Hindi ibig sabihin na kinakausap kita ay nakalimutan ko na lahat ng ginawa mo sa akin." Dugtong ko. Nakatungo lang ito sa harapan ko at walang masabi.

"Paano ako titira dito kung bawat sulok ng bahay na 'to, masasamang ala-ala ang naaalala ko?" Unti-unting pumatak ang mga luha ko.

Nang mawala ang anak ko, pinilit kong magpakatatag dahil iyon lang ang choice na meron ko. Pinilit kong bumangon pag umaga kahit na gusto ko nalang humiga maghapon at umiyak para maibsan ang pangungulila ko.

Nang mawala ang anak ko, kailanman ay hindi pumasok sa isip ko na bumalik pa sa bahay na 'to.

"Kung ginagawa mo ito dahil naaawa ka, hindi ko kailangan ng awa mo--"

"Kasal parin tayo, Mira." Putol nya sa sinasabi ko. Mapait akong natawa.

"Nasaan ang annulment papers? Ibigay mo sa'kin at pipirmahan ko kaagad." Singhal ko na ikinatunghay nya.

"Bakit gusto mo akong hiwalayan?" Timpi nyang tanong na ikinatawa ko lalo.

"Hindi ba ikaw ang may gusto nito? Dahil sa una palang naman ay ayaw mo nang makasal sa'kin. Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo kung gaano mo kaayaw na maging asawa ako?" Sigaw ko.

"Gusto mong isa-isahin ko ang mga kagaguhang ginawa m--"

"Stop!"

"Unahin na natin yung pagdadala mo ng babae--"

"Stop!"

"Gusto mo ipalaglag ko si Pia n--"

"I said stop!" Dumagundong sa buong bahay ang sigaw niya na nagpatigil ng tuluyan sa pagsasalita ko. Kagaya ko ay umiiyak na rin siya.

"Wag kang umakto na parang nasasaktan ka rin." Madiin kong sabi.

"Kaya ko nang mag-isa, Pierce." nanghihinang sabi ko bago naglakad paalis.

"Gano'n lang? Gano'n nalang 'yon, Mira? Hindi mo ako bibigyan ng pagkakataon para patunayan sa'yo na hindi na ako gago? Hindi mo ako bibigyan ng pagkakataon na patunayan sa'yo 'tong nararamdaman ko?" Napahinto ako sa paglalakad at nasapo ang dibdib dahil hindi ko kinaya ang basag niyang boses habang nagsasalita.

Naramdaman ko paglapit niya sa akin bago ako niyapos sa likod at siniksik sa leeg ko ang mukha niya.

"Habang buhay akong magsisisi kapag hinayaan kitang mawala ulit sa'kin, Mira." Hikbi nya.

"Hindi tayo tatagal kung parehas tayong sira--"

"Buuin natin ang isa't isa. Hindi mo kailangang lumayo." Nangungunsinti niyang putol sa sinasabi ko.

"May parte sa akin na ako lang ang makakapagpagaling, Pierce. 'Wag nating pilitin." Sabi ko bago kinalas ang yakap niya sa'kin.

"Pag maayos na ako, kapag tanggap ko na lahat ng nangyari sa buhay ko, babalik ako sa'yo at susubukan natin, pero kung nakahanap kana ng iba habang inaayos ko ang sarili ko, tatanggapin ko." Sabi ko bago tuluyang umalis.

Girls Series 1: GrievingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon