"Sis, tignan mo 'to dali!" Nagmamadaling sabi ni Jean at halos isupalpal na sa mukha ko ang magazine na hawak niya.
"Bakit?" Takang tanong ko.
"Basahin mo nalang dali!" Sikmat niya sa akin kaya naman wala akong nagawa kundi ang basahin ang tinuturo niya.
"Anong gusto mong palabasin?" Taas kilay kong tanong matapos basahin.
"Ay, kunwari hindi affected." Pang-aasar niya sa akin.
"Magtrabaho ka nalang." Sabi ko bago nag-iwas ng tingin.
"Break natin ngayon, engot." Singhal niya sa akin "Anong pakiramdam, sis? Masakit ba? Masakit ba?" Pang-aasar niya bago humalakhak.
Hindi na ako magtataka kung bakit nasa magazine si Pierce, siya na kasi ang nagpapatakbo ng mga negosyo nila.
Nakalagay sa magazine ang pangalan ni Pierce at ang babaeng kasintahan niya raw. May litrato pa silang dalawa na parang sa isang event sila at nakahawak pa ang kamay ni Pierce sa bewang noong babae.
"Saket 'no?" Mapang-asar na nakangiting tanong ni Jean.
"Masaya ako para sa kaniya." Maikling sagot ko kahit na unti-unting kumakalat ang sakit sa sistema ko.
Umasa kasi ako na totoo ang nararamdaman niya para sa akin, na hindi lang siya basta naguguluhan.
"Anong plano mo?" Tanong nya.
"Wala." simpleng sagot ko na ikinalaki ng mata niya.
"Anak ng kagang. Anong wala? Bakit wala? Asawa mo kaya 'yon!" Sabi niya na ikinalaki rin ng mata ko bago pinitik ang noo nya.
"Baka may makarinig sa'yo." Pabulong kong singhal sa kaniya.
"Eh baket? 'Di naman nila alam kung sino ang tinutukoy ko." Pabalang niyang sagot sa akin habang hinihimas ang noo niya na pinitik ko.
"Kahit na." Sagot ko na inismiran lang niya.
"Bakit hindi mo siya puntahan?" Bulong niya sa akin.
"Bakit ko naman gagawin 'yon?" Tinignan niya ako na para bang hindi ako tao bago humawak sa noo niya na animoy problemado.
"Malamang kailangan niyo mag-usap ano? Alangan namang habang buhay kayong magtaguan, at kung jowa man niya talaga 'yang babaeng kasama niya e paano niya 'yan mapapakasalan kung kasal parin siya sa'yo?" Mahabang sabi niya na ikinatungo ko nalang.
"Kung lagi mong tatakbuhan ang problema, laging kalang rin noon hahabulin." Seryosong dugtong niya.
"Hahanap lang ako ng tyempo." Nakangusong sabi ko.
"Kailan 'yang tyempo na 'yan, sis? 3 years from now?" Pang-aasar niya na sinagot ko ng masamang tingin.
"Oh bakit? Sabi mo sa'kin 8 months ago magpapahinga kalang, walangjong pahinga 'yan ah, 8 months. Feeling teenager." Sabi niya bago tumakbo palayo pero natamaan parin siya ng binato kong magazine. Baliw talaga.
Nang makaalis siya ay tsaka ko inisip ang sitwasyon na meron kami ni Pierce.
Hindi ko alam kung ano ang balak niya dahil wala na kaming balita sa isa't isa simula noong umalis ako.
Hindi na ako nagtataka kung may kasintahan siya ngayon. Wala rin naman siyang sinabi na hihintayin niya ako kaya wala akong pinanghahawakan sa aming dalawa kundi ang sapilitang kasal pa namin ilang taon na ang nakakalipas.
7pm ang out namin pero 9 na ay nandito pa kami sa office ng manager namin dahil nagpatawag siya ng meeting para ipaalam sa amin na kami ang kinuha para magcater sa isang event.
"Antok na antok na ako." Pupungay pungay na sabi ni Jean nang makasakay kami sa jeep. "Kung hindi lang talaga pogi si Sir ay hindi ako aattend ng meeting na iyon." Sabi niya na tinawanan ko.
"Pogi man o pangit si Sir ay kailangan mong umattend." Sabi ko sa kaniya.
Nauna siyang bumaba sa akin dahil mas malapit ang bahay niya kesa sa apartment na inuupahan ko.
Nang makarating ako sa bahay ay dumiretso na agad ako sa pagtulog kahit na hindi pa ako nakakakain at nakakapagbihis.
BINABASA MO ANG
Girls Series 1: Grieving
General FictionMira Alcantara. Isang babae na napasok sa isang kasal na walang pagmamahal. Isang babae na puno ng pangungulila sa magulang, sa anak, at sa asawa. Matutunan kaya niyang buksan muli ang puso niyang pagod na sa pagdadalamhati?