Quintinn
"P*ta naman Albert! Bakit hindi mo sinabi na party ni Margaux 'yon?! Alam mo naman diba pre?! Alam mo naman na bawal ko siyang makita! T*ng *n* naman oh!"
Galit na galit ako ngayon kay Albert. Actually it was my first time to be a macho dancer last night, sabi kasi ni Albert 20k isang gabi lang. Sasayawan ko lang daw yung ikakasal, magkakapera na ako. I badly need money. Tambak na kasi ang utang ko sa apartment na tinutuluyan ko ngayon. May mga trabaho naman ako, pero kasi iba pa rin yung 20k isang gabi.
Hindi ko makalimutan ang mukha ni Margaux. She is still the woman I love. We were so inlove with each other. Everything was perfect. Not until she went to Singapore and her Dad beat me to hell. Ipinabugbog ako ng Dad ni Margaux, isa lang ang gusto niya, ang layuan ko si Margaux. I was brave that time na kahit anong bugbog sa akin ay kinakaya ko. Sa araw-araw atang ginawa ay bugbog ang katawan ko. May isang beses pa nga na may sumaksak sa tagiliran ko, kaya hanggang ngayon may peklat yung tahi sa tagiliran ko.
Kinaya ko lahat ng pambubugbog sa akin sa loob ng isang buwan, pero when her Dad threatened my family in Italy, I was so scared. Kilala ko ang tatay ni Margaux, he can do anything. Makapangyarihan ang tatay niya. Kayang-kaya nitong pumatay ng tao nang hindi man lang nakukulong. Hindi ako natakot para sa buhay ko, natakot ako para sa buhay ng pamilya ko.
Dalawang taon ako sa Italy. Sinubukan kong kalimutan si Margaux. Sinubukan kong magsimula ulit ng wala ang babaeng pinakaminamahal ko. I tried, pero hindi ko pala kaya. Nagdecide ako na bumalik dito sa Pilipinas, at dito na lang magtrabaho. Ako ang bumubuhay ngayon sa sarili ko dahil ayoko nang humingi pa ng tulong sa pamilya ko sa Italy. If nalaman nilang I am suffering here, papabalikin nila ako sa Italy.
"Pare pasensya na hindi ko rin alam! Alam mo namang hindi ko masyadong close yung nagtimbre sa'kin niyan."
Sabi sa akin ni Albert. Simula nung bumalik ako sa Pilipinas ay si Albert na ang naging kaibigan ko, siya rin ang kasama ko minsan sa photo shoots na sideline ko.
Nasa isa kaming coffee shop, isa ito sa mga sidelines namin. Kung tutuusin mas marami siyang side line kumpara sa akin. Hindi ko nga alam kung may kapaguran ba siya sa katawan eh.
"Here are your orders---"
Pagkalapag ko ng mga kape sa table ay nakita ko si Margaux.
P*ta.
Is this coincidence or destiny?
Margaux is just looking at me while sipping her coffee. She stood up and went to talk to our manager.
"Can I talk to Quintinn?"
Margaux asked.
Inihanda ko na lang yung order ng ibang customers, pero nakikinig pa rin ako sa pinag-uusapan nila.
"Miss, Quintinn is busy right now. Isa ka ba sa mga exes niya, lahat kasi ng babaeng naghahanap dito kay Quinn ay sinasabing ex siya. Siguro you are 45th honey..."
Ganyan lagi ang sinasabi ni Manager kapag may mga babaeng tanong nang tanong tungkol sa'kin. Yung iba kasi minsan ang harassing na kaya hindi na ako pinapakausap ni Manager.
Hindi papatalo si Margaux, she will get what she wants.
"Excuse me Miss, I am really one of his exes. Then, fine I am going to wait for him."
Umupo na si Margaux sa seat niya kasama ang mga kaibigan niya. Nagdadaldalan sila, at nagkwe-kwentuhan.
Ginawa ko na lang ang trabaho ko, hanggang sa natapos na nga ang shift ko. Wala na sila Margaux sa upuan nila kanina. Nagpalit na ako ng damit para makauwi na sa apartment.
Paglabas na paglabas ko sa coffee shop ay nandito pa pala si Margaux, pero mag-isa na lang siya at nakasandal siya sa kotse niya. As if she was really waiting for me. Napatingin siya sa direksyon ko, at ngumiti sa akin.
I really miss those smiles. Yung mga ngiti niya na ako ang may gawa. Hinding-hindi ako magsasawang tingnan ang bawat ngiti niya.
Nilapitan ko siya at bigla niya akong niyakap. Yakap na sobrang higpit, sa sobrang higpit ay parang ayoko nang kumawala, at parang ayoko nang bumitaw dahil pakiramdam ko ay nasa tamang tao ako.
Imbes na yakapin din siya ay inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin. I don't want her to suffer, and I dont want to suffer also. Pareho lang kaming mahihirapan.
"Margaux, late na. Traffic pauwi sa unit mo... You should go home now."
She opened the door of his car. Sumenyas siya na pumasok ako.
"Just let me know where you at staying right now."
Pagkasabi niya ay pumasok na ako sa kotse niya. Ayokong magtalo kami dito, alam kong hindi ako mananalo sa kanya. Alam kong kapag hindi ako sumunod sa kanya ay hindi siya uuwi sa condo niya. I know Margaux this much.
Ako ang nagdrive. Tahimik lang kaming dalawa sa sasakyan, nakatingin si Margaux sa labas ng bintana ng kotse habang ang madidinig lang ay ang mahinang pag-ugong ng makina ng sasakyan ni Margaux.
Tiningnan ko siya. Still, she is most beautiful woman in the world for me. Wala pa ring makakatalo kay Margaux. Sobrang ganda niya. Lalo na yung mga mata niyang kumikislap habang nasisinagan ng mga ilaw na nagmumula sa daan. Three years kong hindi nakita ang magandang view na 'to. Three years kong hindi nakita ang babaeng mahal ko.
It was not a long drive. Thirty minutes lang siguro. Nasa 4th floor yung apartment ko, kaya sumakay kami ng elevator ni Margaux, at bumaba na sa floor kung nasaan ang apartment ko.
Magaganda ang apartment dito, kaya medyo mahal ang upa. Para na rin kasing condo type, apartment lang ang tawag dahil for rent.
Password din ang pagbukas ng mga pinto kaya medyo pricey. Pumasok na kami ni Margaux sa loob ng apartment ko. I know she was amazed by the organization of all the things. From ceiling to flooring kasi yung design na gusto ko ang nasunod. Blue, white, and gray yung almost colors na makikita sa buong apartment kaya napakaneat tingnan.
"May dalawang rooms dito, yung isa for work and yung isa bedroom. You want something to eat or drink?"
Inilapag ko ang bag ko sa sofa na kaharap ng TV. Suddenly I felt her hands on my stomach. She is hugging me from behind. Hinawakan ko yung mga kamay niya na nasa tiyan ko, at tatanggalin ko na dapat, pero mas hinigpitan niya ang yakap sa akin.
"Why did you leave me, Quinn?"
BINABASA MO ANG
The Day We Met (Completed)
General FictionHighest rank: #1 in NONFICTION This story might contain explicit words or explicit scenes which may not be appropriate to young audiences. There might be chapters or scenes na kailangan ng patnubay ng magulang, kaya ngayon pa lang sinasabi ko na sa...