Chapter 36

1.1K 26 1
                                    

Jacob

Ang daming dugo, napakaraming dugong umaagos mula sa katawan ni Quinn. Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa ngayon habang nakahiga si Quinn sa ground at si Margaux ay nakayakap sa kanya, umiiyak siya. Tears are falling from her lovely eyes habang unti-unting nawawalan ng buhay ang taong mahal na mahal niya.

Mas niyakap niya si Quinn nang ipinikit nito ang mga mata niya at hindi ma mumulat pa. Lumapit ako kay Margaux at niyakap siya, niyakap ko siya nang mahigpit. Ngunit alam kong hindi kailanman kayang pawiin pa ng mga yakap ko ang pagkawala ni Quinn. Hinding-hindi ko siya kayang palitan sa puso ni Margaux and it really made me mad at myself.

Araw-araw sobrang lungkot ng asawa ko dahil sa nangyari. Araw-araw ay parang gusto niya na lang din sundan si Quinn sa kabilang buhay. Ramdam na ramdam ko ang pagdadalamhati niya, at hindi ko na kayang makita siyang araw-araw na umiiyak. Para akong araw-araw na pinapatay habang nakikita siyang nasasaktan, at wala akong magawa para mawala ang sakit na nararamdaman niya.

Nagising ako nang tumutulo ang luha sa mga mata ko. It has been few days since I left our house, I don't know why I have that bad dream. Margaux keeps on calling me, sinasagot ko naman minsan, pero ang sinasabi niya lang ay umuwi ako dahil hinahanap na ako ni Marga.

Si Marga lang naman ang naghahanap sa akin sa bahay, dapat nga sigurong bumisita naman ako sa bahay naming dalawa dahil sa totoo lang ay miss na miss ko na ang anak at asawa ko.

I feel really hurt when she forgot my birthday but she remembered Quinn's. Six years kaming kasal pero ni-isang birthday ko ay hindi niya man lang ako binati. Okay lang naman na makalimutan ng lahat ng tao ang birthday ko, pero ang makalimutan niya 'yon it did hurt me so bad. Kahit wala nang engrandeng party at maraming tao, siya lang ang gusto kong makasama saka ang anak ko. I am really fine.

Tumayo na ako sa kama ko para maghanda papunta sa bahay namin ni Margaux. Weekend naman ngayon, kaya okay lang kung doon muna ako magstay. Dumaan muna ako sa isang restaurant para bumili ng pizza, at dumaan din ako sa isang convenience store para bumili ng ice cream. Favorite ni Margaux at Marga ang pizza lalo na ang hawaiian flavor, tapos sa ice cream naman ay vanilla flavor. They are not my favorite flavors, pero kung paborito ng mag-ina ko ay gugustuhin ko na lang din.

Excited akong pumasok sa bahay namin ngunit nadatnan ko ang mga kaibigan ni Margaux sa sala pati na rin si Kevin, ngunit wala si Margaux. Inilapag ko ang mga pagkaing dala ko sa dining table namin.

"Where's Margaux?" Kinakabahan kong tanong.

I don't know why but I feel something odd. May hindi tama dito, saka nasaan ang anak ko? Tumingin ako kay manang.

"Manang si Marga?" I asked.

"Iyak siya nang iyak kanina, kaya pinatulog ko muna sa kwarto niya." Sabi niya sa'kin.

"Jacob, si Margaux she's missing. Nagpaalam siya kay manang kaninang madaling araw na pupunta sa bahay niyo, para kausapin ka. Hanggang ngayon hindi na siya sumasagot sa mga tawag namin." Nag-aalalang sambit ni Fatima.

Nagsalita bigla si Kevin.

"Hindi ko rin ma-contact si Quinn, magkasama lang kami kagabi tapos ngayon wala. Tinawagan ko siya baka kasi magkasama sila, pero wala eh." Kevin said.

The Day We Met (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon