Chapter 13

908 20 12
                                    

Jacob

"Hindi ba pwedeng ako na lang ang magkaroon ng pakialam?
Magkaroon ng pakialam sa tuwing malungkot ka, sa tuwing sa tingin mo ay hindi mo na kaya pa, at sa tuwing hindi ka na niya kayang gustuhin pa, pwede bang ako na lang ang may pakialam?
Pakialam, alam kong ni-katiting walang para sa akin, alam kong ang nararamdan ko para sa'yo ay walang paglalagyan dyan sa malawak mong puso at utak na iisa lang ang gusto, ang pakialam niya."

Nakatayo ako dito sa stage at binabanggit ang piece ko para kay Margaux. Foundation week ngayon sa university at ang student council ang nag-organize ng event na 'to. I badly want Margaux kaya araw-araw akong naglalagay ng sulat o kaya tula sa locker niya, pero kahit kailan hindi niya ako napansin.

"Hindi ba pwedeng ako na lang ang gusto mo?
Gusto mo, kahit kailan at kahit pagbali-baligtarin pa ang mundo, alam kong hindi magiging ako.
Hindi magiging ako, pero nandito pa rin ako kahit iwanan ka man ng lahat ng tao, mapagod man lahat ng kaibigan mo sa pakikinig sa kung anong naging araw mo, wag kang mag-alala, nandito pa rin ako.
Nandito pa rin ako para sa'yo, hindi ko man kayang tumbasan ang lahat ng kaya niya, hindi ko man kayang maging katulad niya, at hindi ko man kayang maging tama para sa'yo, nandito pa rin ako, maghihintay lang sa paglingon mo.

Sa paglingon mo, nandito pa rin ako lumipas man ang araw o linggo, nakatanaw sa malayo habang bumubulong sa hangin at nagtatanong sa langit, at umaasang tatangayin sa iyo na hindi ba pwedeng ako na lang?"

She never turns around and look at me. Palagi na lang si Quinn. I and Margaux were friends since we were kids. Pati ang pamilya namin ay magkaibigan dahil sa aming business.

Nasa stage siya ngayon at nakapanood sa akin. Hindi niya alam na para sa kanya ang bawat bantas at salita na nakasukat sa akda ko.

When I finish reciting my piece I look at Margaux, I know she heard my piece. Mabilis akong lumapit sa kanya. I was about to talk to her, but someone pulled her in the wedding booth. Nilagyan siya ng wedding veil at binigyan ng bulaklak.

I hardly closed my fist when I saw that she will be marrying Quinn. Hindi ba pwedeng ako na lang, Margaux? Gagawin ko naman ang lahat para sa'yo eh.

Ang tagal ko ng gusto si Margaux simula noong mga bata pa lang kami. Hindi ko nakikita ang sarili ko na ikakasal sa ibang babae dahil siya lang ang gusto ko.

Ipinapangako ko sa sarili ko na ako ang pakakasalan ni Margaux at hindi si Quinn. Kahit kailan, hindi magiging sila. Hinding-hindi sila magkakaroon ng pamilya dahil ako ang magiging asawa ni Margaux.

*

Hanggang ngayon, naaalala ko ang mga ginawa ko para kay Margaux. Kahit kailan ay hindi ko pagsisisihan ang mga ginawa ko para lang maging akin siya. Masaya na kami ngayong dalawa, kasama ang baby namin na si Marga. Hindi-hindi na ako papayag na mawala sa akin si Margaux.

"Sir, may nagpadala po nitong mga litrato na 'to sa inyo." Sabi ng isang personal security guard ko.

Ibinaba niya naman ang isang brown envelope na may nakalagay na pangalan sa lower
right nito.

To: Jacob
From: Kesha <3

Kesha was Margaux's friend. Alam kong may ibig sabihin ang puso sa pangalan niya. Kilalang-kilala ko siya.

The Day We Met (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon