Quintinn
Seeing Margaux with her beautiful family made me realized that I should be moving on. I should be starting my own life and keep looking forward. She look so happy with her kid and her husband. Sa totoo lang, ang akala ko talaga si Marga lang yung magpo-photoshoot dahil sa birthday niya, pero oo nga pala kasama lagi sa picture ang father.
"Okay ka lang Quinn? Parang kanina ka pa wala sa sarili mo ah?"
Pagpuna sa akin ni Albert.
Hanggang ngayon kasi ay kasama ko si Albert sa lahat ng project ko. Kahit doon sa photo exhibit katulong ko siya para maging successful yung event.
Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit pa kasi ako tinatanong ni Albert, eh alam naman talaga niya kung ano ang dahilan. Kung bakit kanina pa ako wala sa sarili ko. Sinong hindi mawawala sa sarili kung yung first love mo at yung babaeng pinapangarap mong mapangasawa ay kasama mo ngayon na iba na ang minamahal.
Hindi ko na lang pinansin ang pang-aasar ni Albert at itinuloy lang ang trabaho ko. Dito lang kasi kami nagphotoshoot sa bahay nila. They have a really big house. Pagkapasok ko pa lang ay nabighani na ako sa ganda ng disenyo ng bahay nila Margaux. I am wondering if Margaux designed their house because she finished interior design and one of her friends is an architecture.
Flashback
"Quinn, look ang ganda diba? What do you think?" Margaux asked me.
I am looking at a blueprint. Alam kong blueprint 'to dahil laging may dalang ganito si Margaux.
Hindi ko nga maintindihan kung ano 'yang mga guhit na nandyan sa papel na 'yan. Hindi naman kasi ako architecture student o kahit engineer, kaya paano ko naman maiintindihan yung pinapakita ni Margaux? Itinuloy ko na lang ang pagsusulat ko dahil hindi ko naman maitsurahan kung ano bang sinasabi niyang maganda.
"Quinn naman eh! Sige ka break na tayo!"
Napakadali niya lang sabihin sa akin na magbreak na kami, lalo na kapag naiinis siya at kapag nag-aaway kami, pero syempre ayokong mangyari 'yon, kaya inaamo ko lang siya lagi at sinusunod lahat ng gusto niya.
"Oo maganda, sobrang ganda nga. Lalo na 'to oh, ang ganda talaga. Ano ba 'yan?"
Ngumiti nang malapad si Margaux sa'kin, at niyakap ako nang mahigpit.
"It's our dream house! Niña helped me to do it." Margaux said.
Mas niyakap ko siya nang sabihin niyang dream house namin 'yon. These past few days, she keeps on saying that she wants a dream house, so heto pala yung sinasabi niya, ginawa niya agad.
Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at tiniklop nang maayos yung plano ng bahay at iniabot niya sa akin. Tinanggap ko naman agad 'yon.
"I might lost it, so you should keep it, Quinn. Kapag mayaman na tayo pareho, kapag kaya na nating magpagawa ng bahay, ipapagawa natin 'yan. Promise me, ipagagawa mo 'yan para sa'kin."
I looked at Margaux while she was saying these things.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa mga sinabi ng babaeng minamahal ko. Ngumiti ako nang malapad kay Margaux, at hinalikan ko siya sa noo niya.
BINABASA MO ANG
The Day We Met (Completed)
General FictionHighest rank: #1 in NONFICTION This story might contain explicit words or explicit scenes which may not be appropriate to young audiences. There might be chapters or scenes na kailangan ng patnubay ng magulang, kaya ngayon pa lang sinasabi ko na sa...