Chapter 18

729 20 5
                                    

Quintinn

Araw-araw ay pumupunta si Margaux sa office, pero hindi ko siya pinapansin. Wala akong balak tulungan ang kompanya ng hayop na tatay niya. Hinding-hindi ko mapapatawad ang tatay niya sa kung anong nangyari sa pamilya ko.

Alam kong walang kinalaman si Margaux sa kung anong nangyayari ngayon, ayokong madamay siya, at ayokong malaman niya pa kung ano ang nangyayari, pero she will be still involved dahil anak siya ni Mr. Page.

Pagkatapos noong pagkikita namin ni Margaux ay tumawag si mama. Pinabalik niya ako sa Italy dahil nagpakamatay si Papa. Pagkasabi na pagkasabi ni mama na patay na ang papa ko, ay halos hindi ako makagalaw dahil hindi ako makapaniwalang magagawa iyon ni Papa.

Hindi ko nakasama halos ang pamilya ko. Kapag nandito ako sa Pilipinas ay andoon sila sa Italy dahil andoon na halos lahat ng mga kamag-anak namin. Mas gusto kong mag-aral dito sa Pilipinas at tumira dahil mahal ko ang bayan na 'to, kaya tiniis ko kahit malayo sila sa'kin.

Mas close ko si Papa keysa kay mama kasi mas naiintindihan niya ang mga gusto ko, sinusuportahan niya rin ako sa lahat nang ginagawa ko sa buhay. Si mama kasi ayaw njya ang pagtira ko dito sa Pilipinas, pero si papa lagi siyang pumapayag basta masaya ako.

Nang malaman kong nagpakamatay ang tatay ko ay nagpaschedule agad ako ng flight, ngunit ilang araw pa bago maschedule, kaya huling araw na ng lamay ni papa ako dumating sa Italy.

Noong makita ko si mama ng araw na 'yon ay napaiyak na lang din ako. Mugtong-mugto ang mga mata ni mama na halatang ilang gabi ng hindi nakakatulog dahil sa kaiiyak. Isa lang ang sinasabi sa akin ni mama noon, "patawarin mo ako, anak". Hindi ko naiintindihan kung bakit, pero hindi ko 'yon inintindi dahil mas nangibabaw sa akin noon ang pagluluksa sa pagkamatay ni papa.

I'd never looked at my father inside his coffin. Hindi ko kaya. Parang dinudurog yung puso ko habang pinagsasasaksak nang paulit-ulit. Hindi ko inaasahang pagbalik ko dito sa Italy, mahimbing na ang tulog ni papa at hindi na magigising pa.

Bago ako bumalik sa Manila, sinabi sa akin ni Ate Quelly kung ano talagang nangyari kasi alam naming hindi basta-basta 'yon gagawin ni papa ng walang dahilan.

Papa discovered that my mother cheated on her, but it was already few years ago at wala nang namamagitan pa sa kanilang dalawa. The thing was the guy sent him pictures of them together and exchanges of letters. Hindi iyon kinaya ni papa. Hindi ko rin kinaya. Hindi ko inakalang magagawa iyon ni mama. She is softhearted. Napakabait niyang nanay. Lahat ibinibigay niya sa amin, lahat ng kailangan namin, at lahat ng pagmamahal. Our family was perfect in my vision, before.

It did make sense, kaya pala she said, "patawarin mo ako, anak", pagdating ko pa lang sa Italy. Papa killed himself because he couldn't bare the pain, I guess? Hindi ko alam dahil hindi ko naitanong kay papa kung bakit. Naabutan ko siya ay mahimbing na ang tulog niya.

Why am I mad at Mr. Page? Simple lang, from the start alam niya kung sino ang mga magulang ko at alam niya kung sino ako. Siya yung lalaki ni mama before. When he threatened me before, it was double purpose. Gusto niyang iwan na ni mama si papa, pero ayaw na ni mama, kaya ako ang panakot niya kay mama. Lagi akong pinapabalik ni mama sa Italy, para hindi na ako saktan ng tatay ni Margaux. Pinagsisisihan ni mama ang lahat, sinabi niya sa akin lahat-lahat, pero hindi ko pa rin matanggap dahil hindi ako makapaniwala.

Nagpakamatay ang papa ko dahil sa kagagawan ni Miguel Page. Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa pamilya ko.

The Day We Met (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon