Margaux
Its Quinn's birthday, nangako ako sa kanya na pupunta ako dahil matagal na niya akong inimbitahan para sa party niya na 'to. Saka hindi naman siya madalas magparty, kaya hindi naman siguro masamang pumunta sa party niya.
I picked my favorite clothes and wore it. Hindi rin masyadong makapal na make-up ang nilagay ko dahil hindi ko naman party iyon, so tama na yung ganitong itsura ko. Kay manang na lang ako nagpaalam baka kasi magalit sa akin si Jacob kapag nalaman niyang sa party ako ni Quinn pupunta, kaya bahala na.
Bumusina na ang mga kaibigan ko sa tapat ng bahay namin, kaya nagmamadali akong lumabas at dinala ang pouch bag ko at inipit ito sa pagitan ng siko ko at katawan ko. Pagpasok ko sa sasakyan ni Niña ay todo daldal na silang dalawa sa'kin na para bang hindi kami nagkikita. Last time I checked we were all in Batangas and we spent good time together.
"Attorney Vanessa called me pala, you were not answering her calls daw? Ano na bang plan mo, Margaux?" Tanong ni Niña.
Yung ma-attitude na attorney?
"Hayaan mo siya. Tell her, hindi ko na itutuloy yung annulment. Saka I am telling you, may attitude yung Vanessa na 'yon. Inis na inis ako sa kanya noong may appointment kami ni Jacob." Nabigla silang dalawa sa sinabi ko tungkol sa annulment.
"Margaux, are you sure about that? How about Jacob? Nag-usap na ba kayo tungkol dito? Bakit naman kasi mapagdesisyon ka agad eh, tapos aatras ka naman din pala!" Pagalit na sabi ni Fatima.
Parang bata niya ako kung pagalitan. Jacob is a nice guy, he loves me. We can work, our relationship can work. Gabi-gabing sumasagi sa isip ko kung sino ba ang pipiliin ko sa kanilang dalawa si Jacob ba na matagl nang nasa tabi ko, matagal nang ipinaglalaban ako, pero kahit kailan hindi ko napansin, o si Quinn ba na minahal ko simula pa noong una? Hindi ako makapagdesisyon noong una, pero noong makita ko kung gaano kabuti ang puso ni Jacob, nasabi ko na lang sa sarili ko na "bakit ako aalis, eh nasa tamang tao naman ako?". I might confused all the people around me, but I am really sure about this one thing, I and Jacob, we are meant to be together.
"This time, sure na ako. Ililibre ko kayo araw-araw ng coffee kapag nagbago pa ang isip ko. This is the surest thing I've felt..." Sabi ko sa kanila.
Parang naluluha ang mga kaibigan ko sa sinabi ko dahil sa totoo lang it's never been so easy for me since I entered married life. Mahirap talaga dahil pareho kami ni Jacob na ma-pride.
"Ito na nga pala yung singsing mo, Kevin already bought me a new one!" Sigaw ni Fatima at iniabot sa akin yung wedding ring ko.
Agad ko namang isinuot ang singsing ko, at pinagmasdan iyon. Mas na-aappreciate ko ang ganda nitong singsing namin ngayong unti-unting binibigyan ko ng pagkakataon si Jacob na papasukin sa puso ko at sa buhay ko.
Nakarating naman din kami agad sa hotel kung saan gaganapin ang party ni Quinn. Maraming tao at hindi ko nga sila halos kakilala, pero maganda itong event dahil ang ganda ng pagkakadisenyo ng lugar. May nagbigay sa amin ng wine at tinanggap naman namim iyon.
Biglang sumulpot si Quinn at hinila ako papunta dito sa pool area kung saan walang masyadong tao. Nakangiti siya sa akin at parang masayang-masaya siya ngayon. Probably because it is his birthday?
"You're really filing an annulment? I am so happy Margaux. Alam mo walang mapaglagyan ang saya ko nang malaman kong you will be annulled to Jacob soon." Masayang banggit niya.
BINABASA MO ANG
The Day We Met (Completed)
Fiksi UmumHighest rank: #1 in NONFICTION This story might contain explicit words or explicit scenes which may not be appropriate to young audiences. There might be chapters or scenes na kailangan ng patnubay ng magulang, kaya ngayon pa lang sinasabi ko na sa...