Chapter 24

658 18 0
                                    

Margaux

Is this the surprise he was saying yesterday? Jacob is here with us. Hindi ko sinabi sa kanya ang company kung saan nagta-trabaho si Quinn ay ang naging partner ng company namin para sa advertisement. Hindi ko rin sinabi sa kanya na si Quinn ang stockholder na nakwento ko sa kanya noon.

Pagdating na pagdating ko dito sa beach ay ready na ang lahat. Yung set ready na pati yung models. Isa pala sa models si Jacob. Hindi ko naman alam na nag-eextra na pala siya sa mga ganito. Kuya Maru just said na siya na ang bahala sa models dahil alam niya kung sino yung mga trending na tao ngayon.

"Ang gwapo talaga ni Jacob no? Buti nga pumayag siyang i-endorse yung Page."

"Ang daming modeling agency ang nag-aagawan sa kanya, pero ni-isa wala siyang tinanggap."

"Grabe yung katawan niya oh. Hindi ako makapaniwalang may asawa na siya. Swerte naman nung babae."

"Na-feature na siya sa isang magazine and he is really doing great with their business. Saan ka pa? May abs na may pera pa."

Ang lalakas magchismisan ng mga babaeng staff dito sa tabi ko, kaya dinig na dinig ko ang mga pinagsasasabi nila tungkol kay Jacob. Nagsisimula na rin kasi yung photoshoot at nandito lang ako kasama si Fatima malapit sa set.

Hindi ako pinapansin ni Jacob simula noong pagdating ko dito sa set. Sa tingin ko ay alam ko na ang dahilan. He knows about I and Quinn. Alam niya lahat ng tungkol sa aming dalawa noon, kung anong naging relasyon namin at kung bakit kami nagkahiwalay. I know for sure may kinalaman siya noon.

Nire-retouch ng make up artists yung make up ni Jacob pati ng iba pang models. Nakatingin lang ako sa kanila dahil dapat ay maging perfect ito para sa summer edition ng Page, it will be the new beginning for our brand.

Binuhusan ng tubig ngayon si Jacob at yung babae na partner niya for this photoshoot. Alam kong sikat siyang model dahil madalas ko siyang makita sa ilang sikat na fashion shows sa TV.

Yumakap yung babae kay Jacob. Parang may sariling isip ang mga paa ko at lumapit sa director ng photoshoot.

"Excuse me, do we really need to take shots like that? Hindi naman lingerie or night dress yung clothing brand ng Page." Pagkasabi ko nito ay tumingin sa akin ang director.

"Miss Page, what are you trying to say? Diba we had already talked about the concept? Ilang beses mong sinabi na it was really fantastic and you like my idea, then you are saying that to me just now?" Sinungitan niya ako.

Oo nga sinabi ko nga 'yon, pero hindi ko alam na si Jacob pala yung magiging male model! Walang nagsabi na ang asawa ko yung magiging subject sa advertisement na 'to!

Mabilis akong hinila ni Fatima.

"She is just joking. Tuloy niyo lang po ang shooting." Pagtatakip sa akin ni Fatima.

Hinila niya ulit ako palayo doon sa set at pumasok sa isang restaurant na tanaw pa rin naman ang nangyayaring photoshoot. Hindi ko alam pero naiirita ako sa mga nakikita ko sa set.

"Oh anong eksena 'yon sis? Inumin mo nga 'yan pampalamig ng ulo." Tanong ni Fatima sa akin.

Inilagay niya sa table namin ang dalawang glass ng mango shake at ibinigay sa akin ang isa. Agad ko namang kinuha ang sa akin, at ininuman iyon. Ang init na nga ng panahon ganito pa yung feeling ko.

"I don't know. Huwag na lang nating pag-usapan, gusto ko na lang umuwi sa bahay." Tiningnan niya ako na parang hindi naniniwala.

"You know, may karapatan ka naman bakuran ang sa'yo sis! Nako, kung ako ikaw, kanina ko pa binakuran si Jacob dahil kanina pa may mga naglalaway sa kanya sa set." Tawa nang tawa si gaga.

Babakuran ano si Jacob bahay?

Bago pa ako makasagot ay nagsalita ulit siya.

"Sis, sinasabi ko sa'yo mamili ka na, bawal dala-dalawa. Hindi pwedeng paghaluin ang sinigang at ang adobo sa iisang kanin. Nakakasuka 'yon."

Kung anu-ano pa kasing ginagamit na malalalim na mga salita eh, hindi na lang sabihin sa akin ng diretso.

Biglang umingay sa set, kaya mabilis kaming tumayo ni Fatima. Tiningnan namin ang set at nagkakagulo na nga talaga sa set. Mabilis kaming lumapit at nakita kong nasa buhangin na si Jacob at pinagsususuntok ng isang lalaking hindi ko naman din kilala.

Mabilis akong pumunta sa gitna at natulak ako ng lalaking sumusuntok kay Jacob. Tiningnan ako ni Jacob at bigla siyang tumayo at pinagsusuntok yung lalaking tumulak sa akin. Galit na galit siya. Hindi ko pa nakitang ganyan siya, nakakatakot. Puro dugo na ang mukha nung lalaki ganoon din ang mukha niya.

Biglang may dumating na mga security guards at saka lang naawat ang away. Mabuti na lang ay natapos na yung photoshoot nang manggulo ang lalaki, kaya hindi na kailangan pang ayusin ulit ang set.

Boyfriend daw nung babaeng model yung nakipagsuntukan kay Jacob. Sinuntok lang naman niya si Jacob dahil masyadong mahigpit yung hawak ni Jacob doon sa babae. Sana hindi na niya pinagmodel yung jowa niya kung ganyan lang din ang i-aasta niya.

Hinanap ko si Jacob at nakita kong nasa isa siyang cottage habang may isang medical staff na tumitingin ng sugat niya. Putok ang labi niya at ang kilay niya, kaya ang daming dugo sa mukha at katawan niya.

"I will do that. You can leave." Sabi ko doon sa staff.

Mabilis naman siyang umalis at iniwan kami ni Jacob dito sa cottage. Nakatingin lang siya sa akin at ganoon lang din naman ako sa kanya.

Sinimulan kong dampian ng basang bimpo yung katawan niya para mawala yung mga dugo. Lumayo siya sa akin at kinuha yung bimpo na hawak ko. Siya na ang nagpunas ng bimpo sa katawan niya.

"Kailan pa kayo magkasama?" Mahinahon niyang tanong.

"Since I go to work." Sagot ko.

"Bakit ganyan ang suot mo? Model ka ba?" Nag-iba ang tono niya.

Anong mali sa suot ko? I am just wearing a plain two piece. Saka beach 'to, anong dapat suotin ko? Pajama? Jacob ano ba namang tanong 'yan?

"No, but this is a beach. I think dapat nakaswimming attire? Am I wrong ba?" Balik kong tanong sa kanya.

"Alam mo, I am excited to go here. Inisip ko baka ito na yung pwedeng maging weekend trip natin na hindi mo ako mapagbigyan. Two days lang naman ang gusto ko Margaux! I'd never expected that I will see Quinn here! Unfortunately, lagi pa pala kayong magkasama. F*ck!" Galit na galit si Jacob.

Ngayon lang nagalit ng ganito sa akin si Jacob. Madalas kasi mahinahon lang siya o kaya naman ay wala lang pakialam, pero ngayon he is really mad. Parang hindi ko gugustuhing sumagot sa kanya dahil baka masaktan niya ako.

Tears began to fall from his eyes.

"Ja-Jacob..."

Lumabas siya sa cottage at iniwan akong mag-isa dito. Ni-hindi ko nga alam kung anong nangyayari at kung ano yung nararamdaman niya talaga. Iniwan niya akong puro katanungan ang nasa isip ko.

***

Iba talaga kapag ang lalaki na ang umiyak para sa isang babae.

-kathycarrot26

The Day We Met (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon