Chapter 11

1K 22 16
                                    

Quintinn

Pagkabalik ko sa bahay ni Margaux ay hindi niya na ako pinapansin. Sobrang awkward sa pagitan naming dalawa, dahil unang-una ay hindi ko alam kung paano ako magre-react sa nangyari sa amin sa lawa kanina. We were almost there. Ngayon ko lang ulit napagmasdan ang mga mata niya at ang mga labi niya  nang sobrang lapit.

Hindi ko maisip na noon ay halos hindi na kami mapaghiwalay, pagkatapos ngayon ay nasa iisang bahay kami pero hindi kami nagpapansinan.

Flashback

Seeing your face from afar
Girl, you're amazing
You're amazing
Walking so close yet so far
Looking through those eyes that are shining

"Love, look here." I said to Margaux.

Margaux flashes her wonderful smile.

And oh hoh
I don't wanna let you go
No oh hoh
Why is it so hard to let you go

*Click*

As Margaux looked at me, I suddenly click the shutter of my camera. Margaux is my girlfriend and the love of my life. Napakaganda ng babaeng mahal ko, at alam kong walang makahihigit sa katangiang taglay niya because she is really one of a kind.

I don't wanna leave you standing there
And I don't wanna close my eyes
I just wanna hold your hand
See how far we've come
Are we letting this go to an end or is this
A chance to love again

I am looking at the photo that I just took a while ago. Hindi ako makapaniwalang sa akin si Margaux. Hanggang ngayon kasi napapangiti pa rin ako kapag naiisip ko na sa dinamirami ng lalaki dito sa campus ay ako ang napili niya. She is a campus queen kasi. Lahat na kay Margaux na. Galing siya sa maganda at kilalang pamilya, maganda siya, at matalino rin siya. Kumbaga sabi nga nila, she has it all.

Kahit nga alam na ng mga estudyante dito na ako ang boyfriend niya ay marami pa ring umaaligid sa kanyang mga lalaki. Sa totoo lang araw-araw ay may nakikita ako sa locker niya na note, para bang mga tula. Alam kong maganda si Margaux kaya hindi maikakailang marami talaga akong kaagaw sa mahal ko.

This week is the foundation week of the university, so we don't have classes. Magkaiba kami ng club na sinalihan ni Margaux, magkaiba rin kasi ang hilig at course namin. Ako sa photography club, siya naman ay sa student council. Kaya isa siya sa mga student leader at nag-organize ng buong foundation week.

Mahilig talaga si Margaux sa mga ganito, kaya alam kong magiging successful ang event ng student council. Medyo malayo ang booth namin sa booth nila Margaux, pero syempre nakatanaw ako sa kanya dahil binabantayan ko siya kasi mamaya ang dami na namang nakapaligid sa mahal ko.

"Pare, ano na nasaan na yung pictures para sa photo exhibit natin?"
Tanong sa akin ni Kevin.

Nakalimutan ko pala yung mga picture sa locker ni Margaux. Wala kasi akong locker, kaya nakikilagay lang ako sa locker niya. Mabilis kong pinuntahan ang locker ni Margaux dahil kailangan pa naming maghanda sa booth namin.

Pagkabukas ko ng locker ni Margaux ay may nakita akong sulat. Kagaya nung mga sulat na nakikita ko dito sa locker niya na para bang sa iisang tao lang nanggaling. Kinuha ko agad iyon at inilagay sa bag ko.

Is it being selfish? Is it being greedy? Ayoko lang na maagaw ng iba si Margaux sa akin, at ayoko lang na magmahal siya ng iba dahil hindi ko kayang makitang masaya siya kasama ang ibang lalaki.

Kinuha ko na lang ang mga kailangan ko at bumalik na sa booth.

"Quinn, ikinakasal na sa iba si Margaux! Hahahahaha!"

Sabi ng isa sa kasama ko sa club.

Tawa nang tawa ang iba ko pang kasama sa club. Alam ko ang ibig sabihin nila dahil meron kaming wedding booth na photography club din ang nag-aasikaso. Pumunta ako sa wedding booth, at nakita ko nga si Margaux. She is wearing a wedding veil and holding a bouquet of flowers.

"Ang tagal mo namang bumalik Quinn!"

Sabay suot ni Kevin sa akin ng isang coat at isang bow tie.

Itinulak ako ni Kevin papunta sa dulo ng aisle, at hinintay ang paglapit ni Margaux sa akin. Hindi ako makagalaw at makapagsalita dahil yung taong mahal ko ay papalapit sa akin.

Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Habang lumalakad si Margaux ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang kinakabahan ako na hindi ko maipaliwanag. Ngumiti siya sa akin na para bang nahihiya.

Alam kong hinila lang siya ng mga kaibigan ko dito, pero nagpapasalamat ako sa kalokohan ng mga kaibigan ko.

Nang makarating si Margaux sa pwesto ko ay hinawakan ko ang kamay niya at humarap sa kunwaring pari sa harapan naming dalawa.

"Quinn, promise me, mas magandang kasal ang ibibigay mo sa'kin keysa dito. Mas maraming flowers, mas maraming tao, at mas maganda ang gown ko... Can you do that for me?"

Margaux just surprised me with what she said. Sa totoo lang naiiyak ako, naiiyak ako dahil sa mga sinabi niya.

"I promise. I swear. Mas magarbo at engrandeng kasal ang magiging kasal natin, love." Bulong ko kay Margaux.

"And you may kiss the bride!"

I cupped Margaux's face and kissed her on her forehead. Margaux surprised me when she cupped my face and kissed me on my lips. Hindi ko inaasahan ang ginawa niya, kaya para hindi ako makagalaw. Naramdaman ko ang pagngiti ni Margaux while we are kissing each other.

"Bagong kasal! Tama na 'yan! Picture muna oh!"

Sigaw ng isa sa mga kasama ko sa photography club. Kaya humiwalay sa akin si Margaux, at humarap kami pareho sa camera na nasa harapan namin. I gave my realest smile in the world. I am happy to be with my Margaux.

End of flashback

Pinagmasdan ko ang picture na hanggang ngayon ay nakasave sa phone ko. Iniingatan ko talaga 'tong picture ma 'to, gaya ng picture na nasa loob ng wallet ko. I zoomed in the picture, she hasn't changed at all. Maganda pa rin talaga si Margaux. Ang nagbago lang naman sa kanya ay ang mindset at thinking niya, pati na rin pala ang apelyido niya, iba na.

Margaux Amanda Page-Sy.

Delete photo?

Bakit hindi ko kayang pindutin yung delete photo?!

Hindi ko pa rin kaya.

Hindi ko pa rin kayang makitang masaya si Margaux kasama ang ibang lalaki. She does still the woman I want to be with for the rest of my life. She does still the woman I want to spend my everyday and every night. She does still the woman I am in love with.

***

"She does still the woman I am in love with." Mahirap naman kasing kalimutan ang taong naging malaking parte ng buhay mo, lalo na kung hindi ka pa handang palayain siya. :(

-kathycarrot26

The Day We Met (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon