Margaux
Since Jacob has gone to States, Marga calls Quinn every other day. I don't know why Marga is doing that, kaya madalas na bumibisita dito si Quinn. Nagleave muna ako sa work ko at babalik na lang ako sa re-launching ng Page.
Sometimes, Marga cries. Kapag pumupunta dito si Quinn ay saka lang siya tumitigil sa pag-iyak. I know for sure miss na miss niya na ang daddy niya. Hindi kasi nagkaroon ng pagkakataong magpaalam si Jacob sa kanya noong araw ng flight niya papuntang States. Hanap siya nang hanap sa daddy niya, pero mabuti na lang ay kapag ganitong nandito si Quinn ay hindi niya hinahanap.
"Mommy, look oh? We baked a cake. I had never done this before! Can you take a picture of me and Tito Quinn with our cake?" Marga looks really excited.
Ang mahalaga naman ay masaya si Marga. Masaya siya ngayon kasama si Quinn, and it really makes me feel happy too.
Pumwesto na silang dalawa hawak ang cake na pinaghirapan nilang gawin. Ang gulo-gulo sa kitchen, pero okay lang as long ans nag-eenjoy ang anak ko.
"Okay, 1,2,3 smile!" And I clicked the shutter of the camera.
Pinagmasdan ko ang litratong kakukuha ko lang. They look both happy and contented. Napangiti na lang din ako while looking at the picture. Hindi ko maiwasang isipin na paano kaya kung si Quinn ang naging asawa ko? Kung si Quinn ang pinakasalan ko? Panigurado ay napakasaya ko.
"Hey, tikman mo yung ginawa naming cake ni Marga." Sabi ni Quinn at sabay subo sa akin ng cake.
Kinain ko naman at tumango-tango dahil sa totoo lang ang masarap yung cake na ginawa nila. Hindi ko alam na marunong pala siyang magbake.
"Marunong ka palang magbake?" Tumingin siya sa akin.
"Kristine taught me. Mahilig kasi siya sa pastries, palagi niya akong binibigyan kaya nacurious ako kung paano niya ginagawa." Masaya niyang kwento.
"She likes you." Mahina kong sabi sa kanya.
The way she looks at him, I know she hides something. Pwedeng hindi lang nararamdaman ni Quinn o kaya naman ay ayaw niya lang talagang maramdaman dahil ayaw niyang makasakit ng ibang tao. It really hurts if your feelings were ignored.
"She knows that I am still in love with someone, Margaux. Kaibigan lang ang tingin ko kay Tine, at alam niya naman siguro 'yon." Nginitian niya ako.
Pinanood naming dalawa si Margaux habang kumakain nang ginawa nilang cake.
Kahit hindi niya sabihin nararamdaman kong ako yung tinutukoy niyang someone, hindi naman ako tanga para hindi isiping hindi ako 'yonm at hindi naman ako manhid para hindi iyon maramdaman.
Hinawakan ni Quinn ang kamay ko at ako namang si tanga hinayaan lang na gawin niya iyon. Hindi ko maikakailang gusto kong hawak ni Quinn ang kamay ko.
"Mahal pa rin kita, Margaux..." Tiningnan niya ako sa mga mata ko.
Ramdam ko pa rin ang pagmamahal niya sa akin, alam kong totoo ang sinasabi niya. Tumingin ako kay Marga, she is enjoying eating her piece of cake.
I wet my lips.
"I'll bath Marga na, baka malate tayo sa showing ng Avengers." Iniwasan ko ang sinabi niya.
BINABASA MO ANG
The Day We Met (Completed)
General FictionHighest rank: #1 in NONFICTION This story might contain explicit words or explicit scenes which may not be appropriate to young audiences. There might be chapters or scenes na kailangan ng patnubay ng magulang, kaya ngayon pa lang sinasabi ko na sa...