Margaux
These past few days palagi kaming magkasama ni Quinn, at mas napapalapit kami sa isa't-isa ulit sa totoo lang. Reminiscing our moments together feels different. Parang gusto kong bumalik na lang sa nakaraan at doon na lang ulit mabuhay, kung saan mahal na mahal pa namin ang isa't-isa.
Palagi rin akong wala sa company dahil nga tinatapos namin ang magazine article para sa Page Inc., finally we're already through at ilalabas na bukas ang magazine. Next month naman ay ang advertisement for new clothing models ang aasikasuhin namin kaya this weekend ay pupunta kami ng team namin at team ni Quinn sa isang beach sa Quezon. Ito yung napiling location para hindi na kami masyadong lumayo sa Manila and I heard na magaganda ang white beach doon.
Ipinatawag ako ni Kuya Maru kanina sa office niya at sinabi niya sa aking siya na ang bahala sa mga modelo na magiging bagong endorser ng brand. Wala akong masyadong kilalang mga model, kaya hinayaan ko ng si Kuya ang magdesisyon sa part na 'to.
Tinutulungan naman ako ng buong marketing department, kaya hindi ako masyadong nahihirapan sa mga ginagawa ko.
Pagdating na pagdating ko sa bahay namin ay sinalubong ako ni Marga. Agad-agad niya akong niyakap saka ko naman siya binuhat at hinalikan. I do miss my baby, nawawala ang pagod ko kapag nakikita ko ang anak ko.
"Mommy, how's your day? You seem so tired..." Malungkot niyang sabi.
Nawawalan na ako ng time sa anak ko, sa tuwing uuwi ako ay hindi ko na siya naaabutang gising. Hindi ko na tuloy siya nakakalaro at hindi ko na siya nakakakwentuhan.
Si Marga kasi napakadaldal na bata niya, lahat sasabihin niya. Lahat ng nangyari sa araw niya, at pati na rin ang mga kinain niya.
"Mommy is tired, but since I've seen my daughter, my tiredness has already gone. How's your day baby?" Masigla kong tanong sa kanya.
Ayoko naman kasing lumayo ang loob sa akin ng anak ko lalo na sa susunod na school year ay balak ko na siyang ipasok sa school. Marunong na pati siyang magbasa at magsulat ng ilang mga bagay. Naturuan ko na rin siyang magbilang kaya hindi siya mahuhuli kapag pumasok na siya sa school.
"Daddy took me to his office because it's their family day! Marami akong nakalaro kanina and marami ring nagbigay sa akin ng gifts." Excited na kwento ni Margaux.
Tiningnan ko ang phone ko saglit, at nakita ko ang ilang missed calls ni Jacob. Binuksan ko rin ang inbox ko, at pinindot ang pangalan niya.
|Jacob Sy 👱🏼|
Babe, where are you?
Hindi ba sabi ko sa'yo ngayon yung family day
sa company?Why are you not answering your f*cking phone?!
Margaux, nasaan ka na ba?
If you had the chance to read this, go to
our company. Uuna na kami ni Marga.We will be waiting for you.
Oh my gosh. I have forgotten about the family day! Sobrang nawala sa isip ko dahil occupied ito lahat ng about sa Page Inc. at sa mga kailangan kong tapusin dahil malapit na ang deadlines.
BINABASA MO ANG
The Day We Met (Completed)
General FictionHighest rank: #1 in NONFICTION This story might contain explicit words or explicit scenes which may not be appropriate to young audiences. There might be chapters or scenes na kailangan ng patnubay ng magulang, kaya ngayon pa lang sinasabi ko na sa...