Diary, wake up!
Jan 06, 2019
Morning messages sent! 'Di na ko nagexpect ng reply baka kasi nasa school na sya or baka nag-aaral. Nagprepare na ko for school alam mo naman takot ako malate diba so yun. Hindi na ko nagphone pagkapasok sa room, kahit gusto gusto ko gamitin kasi baka may message sya pero ayoko, mamaya mahuli pa ko ng teacher. Wala namang magandang nangyari sa class hours, stress lang, as usual yun lang naman nakukuha ko.
Sa wakas, dismissal. Nauna na ako kila Rheam pumila kasi ibang set of friends ang kasama ko ngayon. Agad kong kinuha phone ko, hindi naman ako nagkamali, may message mula kay Klix. Nagtataka ako kung bakit 'sent a photo' kaya dali dali kong binuksan yung message. Gusto kong pigilan yung saya ko non yung tuwa ko yung kilig ko kasi iba yung mga kasama ko. Agad akong tumakbo sa pila nila Rheam at Vhal, pinakita ko sa kanila yung litrato.
"Hi baby, baby, love, kaliwa : )
- Rest please
- Klix, Husband"
As soon as nakita ko yun gusto kong ipagmalaki yung sulat na yon, minyday ko, syempre bibo ako e. Sino bang hindi matutuwa yung taong akala ko never ko magiging kaibigan hayaan na't nagpapakasweet sakin. Nagmessage ako after that na pauwi na ko and sagot nya sakin? "Alam ko" ang taray diary, attitude. Kinuwento n'ya sakin kung paanong naghintay sila ni Jac samin ni Rheam na animo'y naghihintay sila ng mga anak nila sa kindergarten. He starts teasing me and of course pissing me of. Sino bang hindi maiinis pinipilit n'ya kong bakla s'ya and adding up na sila raw ni Jac ang magkakatuluyan, nagpatulan pa ang magbeastfriend. Syempre hindi ako papayag, tagal ko hinintay yang lalaki na yan tas ipapamigay ko lang para mamakla, hell no, over my curvy brain. He even gave a proof para maniwala ako na silang dalawa ni Jac ay mayroong "mutual feelings" sa isa't isa.
Akala ko tapos na pangiinis n'ya hindi pa pala. Nagkwento kasi ako sa kanya na pinaguusapan namin s'ya nila Vhal dito sa school then tinatanong n'ya ko kung ano raw ang pinagsasabi ni Rheam about him, ayoko sabihin, for the least gusto ko protektahan kaibigan ko.
"aLaM nYo bA cRuSh Ko sI klix kASi aNg mAnLy nYa tAlaGa" he told me na baka ganito raw ang sinasabi ko. The hell! Tapos ganyan pa typings, ganyang ganyan diary, napakajejemon, ew.
Syempre bumigay na ko sinabi ko na kung ano sinabi ni Rheam that day, tuwang tuwa ang gago, kaya raw sakin s'ya. Ulolen ka ba Klix, syempre iyong iyo ako.
Tanda ko nasa motor ako nito tas nagpapakahirap ako kausapin s'ya non pero wapakels minsan lang kami magusap e. He asked me kung anong ideal man ko, sa totoo lang wala akong ideal man, kung anong ibigay ni God yun na yon. But still di naman mawawalan ng attractiveness ang isang tao sa sinabi ko sa kanya kung saan ako naattract sa isang guy. Sa dami ng sinabi ko may dinagdag ako sa dulo. "In short, Ikaw".
Miske ako kinilig don, di ko lang alam sa kanya, minsan robot yun e. I asked what's his ideal girl. Naging open din sya sa attitude n'ya. Pake ko kung masungit or moody sya minsan e sa sya gusto ko e.
He asked me to play truth or dare, sumangayon naman ako kasi nasa bahay naman na ko non, sabi ko magpapalit lang akong damit. So yun naglaro kami hanggang sa nabored s'ya he asked for a different game. May sasabihin siyang situation then sasabihin mo sa kanya kung paano ka magrereact or kung anong gagawin mo.
First situation: Paano raw kung maghiwalay kami and ang huli n'yang sinabi ay "Sana naparamdam ko na ako yung unforgettable ex mo (HAHAHAHA tangina). Always take care my dear Kali this is the time para umalis na ako. Paalam, mahal kita."
Kumabog ng sobrang lakas yung dibdib ko, eto, eto yung pinakakinakatakot ko kasi alam ko pag yung sitwasyon na to dumating hindi ko kaya. Sobrang takot na takot ako nung oras na yun kasi hindi ko sya masukat.
"If for good na talaga na maghihiwalay tayo and wala ng sense to have a comeback then of course I'll let it go kasi naniniwala ako na you won't leave without a unreasonable reason. Atsaka kung wala na talaga then let go kasi ayoko rin na mas madown ka kasi you're searching for ways para madalba tayo so ayun. Atsaka being matured na rin pero I'll ask if we can still be friends kasi syempre we have the memories naman and the love. Another thing, bago ka mamaalam talaga I'll tell you first kung paano ka naging best kasi noon pa lang naman alam ko na mas better option ka.Walang papalit. Promise ko yun noon pa. Kung hindi si Klix or after Klix ayaw ko na. Totoo to."
Ayan yung naging sagot ko. Lahat ng sinabi ko dyan totoo, sino ba ko para magsinungaling, sinubukan ko maging matapang, okay?
Second Situation: Paano kung nagquit na ako sa rp
Isa pa to, alam mong hindi ko rin kaya to Diary, nakwento ko na sayo to.
"I'll ask kung ano yung problema then kapag sinabi mo I will try to help you out kasi syempre ano bang purpose ko diba? If hindi naman or kapag ayaw mo sabihin hindi ko ipipilit kasi I respect you and your privacy atsaka maybe you don't trust me enough para pagsabihan nyang problem. If you'll leave and need mo naman talaga then go kasi I know that you have your priorities to focus on. And syempre, like I've said before kung aalis ka I'll wait for you. Maghihintay ako kasi gusto ko, will ko yon"
Ayan sagot ko sa kanya, syempre kung aalis sya maghihintay ako. I know he's worth the wait :")
Third Situation: Paano kung nagcheat s'ya
"Ay hala! HAHAHAHA if nagcheat ka I'll ask you kung bakit mo nagawa yun. Hindi ako magpapadala sa galit or what kasi alam ko na may rason kung ba't mo nagawa yun. Tatanungin kita kung saan ako nagkulang kung saan ako sumobra and kung ano nga yung reason. I know naman kasi na hindi ko mabibigay lahat and alam ko na darating yung time na magkukulang ako. Kung alam ko naman na kasalanan ko and you are sorry and gusto mo pa tayo then I'll forgive you pero I assure you na after that wala na kapag inulit mo pa wala na. Kasi kahit gaano kita kamahal kung ayaw mo naman na sakin wala akong magagawa. Its not for me to stay lalo na kung unhealthy na yung sarili ko. Kung nag-cheat ka its your choice kasi yung pagkukulang ko hinanap mo sa iba at hindi mo sinabi sakin."
If nagcheat sya it is really his choice, hindi ako kung sino para mapigilan ang bagay na yun. May tendency lang naman na magcheat ang isang tao kapag nagkulang ka na and para sakin alam ko sooner or later magkukulang ako or possibly baka rin sumobra ako.
Tinanong ko sya "Darating ba yung araw na susukuan mo ko, magsasawa ka at iiwan mo ko"
Eto yung tanong na sobrang nagpakatotoo ako, walang ano ano eto agad yung sinabi ko kasi takot na ko e, hindi naman siguro masama na matakot ako.
Ang sagot n'ya "Hindi" marami pa s'yang ibang sinabi na nagpagaan ng loob ko, hindi ko na mahagilap e pero sabi nya "Hindi". And I believe in that, panghahawakan ko yan.
I asked him bakit ako, syempre daming babae dyan sama mo pa ex n'yang bitter. Hayop na yan. Ang sagot n'ya sakin "Wala kang pake don okay? Ikaw mahal ko pake ba nila" Damn! Anong ginawa ko at deserve ko tong lalaking to, sobrang too good to be true.
"I have Elijah, Heraiah and Kali, but Kali's my favorite name. Feeling ko mas naging better ako nung naging Kali ako nung naging Del Rion ako. And I told to myself after Kali, no more names"
Sinabi ko sa kanya yan kasi gusto ko last try ko na yung sa kanya, huling sugal at baka sakali ko na sa kanya yun.
Nagasaran lang kami and all. Inabot na rin kami ng madaling araw nito at hindi ko ikukubli na labis labis ang kasiyahan ko. Natakot din ako kasi sabi ko pagkatapos nito busy na s'ya ulit, maghihintay na ulit ako ng susunod na sinag ng araw at liwanag ng buwan para makausap s'ya.
Love, Kali

YOU ARE READING
Love, Kali
RandomIt just started with one conversation and the story goes on. They say unexpected things are the best but will it last? Does the happiness last?