Prologue

23.2K 326 10
                                    

PROLOGUE

Present day. Los Angeles International Airport (LAX)

BOARDING na ang PR 403 ng Philippine Airlines mula LA, California patungong Maynila. Tumatakbo si Lemuel, bitbit ang kanyang North Face backpack na gray. Mabuti na lang at naka-rubber shoes siya, at least mabilis siyang makarating sa GATE 7 kung saan nakapila na ang mga tao.

“Buti umabot ako!” aniya na hinihingal pa. Kinuha niya ang kanyang passport at boarding pass sa pocket ng kanyang backpack. Ngumiti sa kanya ang ilang Pinoy na nasa unahan niya.

“Matagal ka na sigurong hindi nakakauwi sa atin no?” tanong ng isang babaeng sa tantiya niya ay nasa late 60s na. “Mukhang excited ka e.”

“Kakauwi ko lang ho actually.”

“At babalik ka na uli sa Pilipinas?” tanong naman ng isa pang senior citizen. Tumango siya.

“Ang swerte mo naman, madalas ka palang nakakauwi sa Pilipinas. Ako, ngayon pa lang. After thirty years.”

Naputol ang pag-uusap nila nang sabihin ng ground crew na bilisan na nila dahil sila na lang ang huling pasahero. Lihim namang nagpasalamat ang binata dahil kahit last minute decision ang pag-uwi niya ay nakaabot pa rin siya sa flight.

“Enjoy your flight, sir,” wika sa kanya ng PAL attendant pagpasok niya sa eroplano.

“Thanks. I will.”

Pag-upo niya ay saka niya naramdaman ang pagod. Masakit ang likod niya at ang paa niya- pero okay lang yun. Mahaba ang biyahe- makakapagpahinga siya. Ang importante ay pauwi na siya!

Hindi agad siya nakatulog. Tuwing ipipikit niya ang mata ay sari-saring images ang pumapasok sa isip niya. Kaya naman nanood na lang muna siya ng palabas sa mini-tv na nasa harap ng kanyang upuan. Naka-dalawang pelikula siya bago tuluyang nakatulog.

Hindi na niya namalayan ang 14-hour trip. Nagising na lang siya nang marinig niyang malapit na silang lumapag sa Maynila. Saka naman siya nakaramdam uli ng kakaibang sensasyon sa kanyang sikmura. He was having an anxiety attack!

Dali-dali niyang inabot ang kanyang backpack para kunin ang gamot sa kanyang side packet.

“Sir, please sit down,” wika sa kanya ng flight attendant.

“I just need to get my medicine. Masakit ang sikmura ko.”

Hinayaan na siya ng flight attendant hanggang sa makuha niya ang gamot. Binigyan pa siya nito ng paper cup na may tubig.

“Salamat,” aniya.

“You're welcome sir. And please fasten your seatbelt.”

Tumango siya at inayos na niya ang kanyang seatbelt.

Little Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon