CHAPTER 12
“DANI, punta ka raw sa receiving area sabi ni Sister Dorotea.” Nakangiti si Carol sa kanya kaya nagtaka siya.
“Bakit daw?” Ibinaba niya ang librong binabasa saka tumayo. Nasa may garden siya sa likod. May ilang kubo kasi doon na open-cottage type para makapagpahinga ang mga buntis kapag naglakad-lakad.
“May bisita ka yata.” Si Carol naman ang umupo sa puwestong binakante niya.
Excited siyang nagtungo sa may receiving area. Iniisip niyang si Ella ang kanyang bisita dahil katatapos ng graduation nila kaya malamang na maraming kuwento ang kaibigan sa kanya. Pero laking gulat niya dahil hindi si Ella ang naghihintay sa kanya.
“Lemuel?” Shocked siya! “Anong ginagawa mo dito?”
“Ikaw, anong ginagawa mo dito?” tanong sa kanya ni Lemuel. Haggard ito, mukhang walang tulog. Ni hindi nakapag-shave.
“Paano mo nalaman na nandito ako?” Sa loob-loob ni Dani, masasabunutan niya si Ella! Tanging ang babae lang ang nakakaalam kung nasaan siya!
“Paano mo nagawang itago sa akin ang magiging anak ko? Do you hate me that much?”
“Anong pinagsasabi mo diyan? Saka bakit nandito ka? Di ba nasa states ka?” Napilitang umupo si Dani sa sofa. Nasa second trimester na siya ng kanyang pagbubuntis at nararamdaman na niya ang bigat ng tiyan.
Umupo din si Lemuel, pero nanatili itong nakatingin sa kanya. Bakit ganun? Nakakunot na ang noo nito at mukhang galit, pero ang guwapo pa rin?
“I came home to attend Ella's graduation. Akala ko nandun ka. I wanted to surprise you.”
“Surprise me? Bakit?” bahagyang tumaas ang kilay ni Dani sa sinabi ng lalake.
“Wala lang. I just thought it would be nice to see you again.”
“Yun lang? Ngayon, nakita mo na ako. Okay na?” Medyo sarcastic ang tawa ng dalaga, pero kumakabog ng todo ang dibdib niya.
“Alam mo bang handa na akong umalis ng Hong Kong kahapon? I was about to buy a plane ticket.”
Naalala ni Dani ang 'script' nila ni Ella! Ang alam ng lahat ay nasa Hong Kong siya.
“Mabuti at nakonsensya si Mariella. Nagtapat na wala ka doon!”
“Bakit mo naman ako hahanapin sa Hong Kong? Aksaya ka pa ng oras.”
“Kasi nga gusto kitang makita at makausap.”
“Eto na nga, nag-uusap na tayo.”
“Why did you hide the truth from me? Bakit hindi ka nagsabi sa akin na buntis ka?”

BINABASA MO ANG
Little Wild Heart
ChickLitThis book is published by BOOKWARE and posted with permission. I wrote this under my real name. To get the physical copy (printed copy) of this book, please go to www.bookwarepublishing.com Unit 301 3rd Floor Rizalina Building 1677 Quezon Avenue, QC...