CHAPTER 3
MARAMI ang nagsasabing maswerte si Danica dahil ipinanganak siyang mayaman. Nag-iisang anak siya ng isang sikat na socialite at isang successful businessman. Ang pamilya niya ang nagmamay-ari ng construction firm na gumawa ng ilang fly-over sa Metro Manila at ilang condominium. Well-traveled siya dahil dinadala siya lagi ng mama niya noon sa mga trips nito abroad.
One time ay sa France siya nag-summer vacation. She was only nine years old that time. Bago naman mag-highschool ay dinala siya ng parents niya sa Caribbean at nag-stay ng isang linggo sa Barbados. Pero ang madalas niyang mapuntahan ay sa US- kung hindi sa California ay sa New York dahil may business associates doon ang kanyang parents.
Nang magdalaga na siya ay hindi na siya gaanong sumasama dahil iba na rin naman ang mga hilig niya. Naging busy na rin ang kanyang mama sa mga charities at foundation na kinabibilangan nito kaya’t wala na rin halos itong panahon sa kanya.
Ang papa din niya ay miminsan lang niya makita sa loob ng isang linggo dahil busy din. Wala naman siyang kapatid o malapit na pinsan na puwedeng yayain sa bahay nila. Pero wala siyang masabi sa magulang pagdating sa materyal na bagay. Dahil lahat ng puwedeng bilhin ng pera ay ibinibigay sa kanya. Kung puwede nga lang sigurong bumili ng mga kaibigan ay ginawa na ng parents niya para masigurong masaya siya at hindi nabo-bored.
Natuto na rin naman siyang tumayo sa sariling paa at maging independent. She knows how to have fun- with friends or alone.
Nang mag-college ay sumali siya sa ilang organizations kaya't nagkaroon na siya ng mga steady friends. Isa na si Mariella doon.
Nagkakilala sila sa theater nang pareho silang mag-audition para sa isang play. Naging close at ngayon ay sabay pang kumukuha ng parehong subject.
Ella was the sister she never had, and the bestfriend she always wanted. Kaya naman lagi silang magkasama hindi lang sa school kundi pati sa labas. Katulad niya ay nalulungkot din kasi si Ella sa kanila dahil wala rin itong kasama na ka-edad, kaya laging nag-o-overnight sa kanila ang babae. Ganun din naman siya- laging nasa bahay nina Ella.
Palagay ang loob nila sa isa’t isa at nasasabi ni Dani ang mga sekreto niya sa kaibigan. Wala siyang itinatago kay Ella, at ganun din naman ang babae. Kaya naman that particular day ay agad niyang kinorner ang kaibigan.
“YOU didn't tell me that you have a brother who is awfully cute!” akusa ni Dani kay Ella- although sa school ay tinatawag na nila itong Marley. “God, he’s so hot!”
Nasa kuwarto na silang dalawa at katatapos lang kumain. They have a school report na kailangang tapusin at i-submit.
“Excuse me, matagal ko nang sinabi sayo na may kuya ako,” sagot ni Ella habang nakatingin sa salamin. Tila ini-inspection nito ang sariling reflection.
“Pero hindi mo sinabing guwapo! Nakakaloka, ang cute niya!”
BINABASA MO ANG
Little Wild Heart
Chick-LitThis book is published by BOOKWARE and posted with permission. I wrote this under my real name. To get the physical copy (printed copy) of this book, please go to www.bookwarepublishing.com Unit 301 3rd Floor Rizalina Building 1677 Quezon Avenue, QC...