Chapter Ten

8.2K 209 9
                                    

CHAPTER 10

MAY usapan sina Lemuel at Faye na magla-lunch sa isang restaurant sa may Burbank that Friday bago mag-drive ang babae patungong San Francisco, California. Nasa Riverside Drive na ang binata nang tumawag ang babae na cancel na ang lunch nila dahil nagmamadali umano ito. Hindi na siya umangal sa nobya dahil kung siya nga- nagcancel din ng kanilang Vegas trip.

At dahil nasa labas na rin lang, nagdesisyon na lamang si Lemuel na pumasok sa BOB’S 49, isang burger house na katabi lang din mismo ng Starbucks sa kanto ng Riverside Drive at Rose Avenue sa Burbank, California. Nang makakia ng mauupan ay umorder siya. Habang kumakain ay nag-isip siya ng paraan kung papano makakabawi kay Faye sa dami ng kasalanan niya.

I guess I’ll start with a special dinner. Simple lang naman ang mga hilig ng nobya, madaling i-please pero mahirap kapag nagtampo. Kaya alam niyang dapat ay talagang mag-super effort siya.

Pagkatapos kumain ay bumili siya ng dalawang Starbucks at oatmeal cookies saka binitbit pabalik sa opisina.

“This is bromance, dude!” natatawang wika ni Ridley nang iabot niya ang Starbucks at oatmeal cookies. “You’re so sweet!”

“Oh shut up.” Natawa din siya sa officemate. Saka siya bumalik sa sariling cubicle.

ANG alam niya ay Lunes ang balik ni Faye sa LA pero Miyerkules na ng gabi ay wala pa ring tawag ang babae sa kanya. Kaya naman nagkusa na siyang tumawag sa babae.

Hey this is Faye. I’m busy right now. Please leave your message after the beep.” Answering machine ang sumagot sa landline ni Faye. Sinubukan niya itong tawagan sa cellphone pero voice mailbox din ang narinig niya.

Nagtaka ang binata dahil hindi naman ugali ni Faye na basta na lang mag-voice mailbox. Importante sa babae ang communication at bukas lagi ang cellphone nito dahil may mga agents na tumatawag para sa mga trabaho.

Baka may shooting, naisip nalang niya. Although walang nabanggit sa kanya si Faye na may gagawin ito. Muli niyang sinubukan ang cellphone ng babae saka nag-iwan ng message. Sinabi niyang iniimbitahan niya ang babae na mag-dinner ng Sabado.

ALAS-diyes ng gabi ng Biyernes umalis ang eroplanong sinakyan ni Dani patungong Los Angeles, California. Dahil sa magkaibang time zone at advance ang oras sa Pilipinas, Biyernes pa rin ng gabi dumating ang dalaga sa US.

Paglabas niya sa LAX Airport ay nakita agad niya si Remie, ang kanyang pinsan sa mother side. Nurse ang babae sa West Covina, California at tanging ito lang ang nakakaalam na pupunta siya sa US. Eto rin ang nagboluntaryo na sumundo sa kanya dahil alam nitong mag-isa siya sa biyahe.

“Danica!” agad siyang niyakap ng petite na babae. Mas matanda sa kanya si Remie ng five years pero close sila. There was a time kasi na tumira sa kanila ang babae ng halos isang taon din habang nag-aasikaso ng mga papeles, bago ito nag-migrate sa America. Hindi nawala ang kanilang communication dahil regular silang nag-e-email sa isa’t isa. And like she predicted- nang sabihin niya sa pinsan na secret ang pagpunta niya sa US- Remie assured her na ito ang bahala sa kanya.

Little Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon