Chapter Six

7.7K 173 6
                                        

CHAPTER 6

HINDI makatingin ng diretso si Lemuel kay Dani. Tahimik na tumayo ang babae, wala itong saplot at nagtungo ng banyo. Hindi niya maintindihan kung ano ba ang nangyari. Was it too much vodka? Yun yata ang salarin kung bakit humantong silang dalawa sa kama! Pero ngayong umaga ay may nangyari na naman sa kanila- and ni wala siyang nainom kahit isang patak na alak kaya hindi niya puwedeng sisihin ang vodka.

You like making love to her, sabad ng isip niya. Wala siyang maidepensa doon. Dahil totoo naman. And he would make love to her in a heartbeat kung hindi niya pipigilan ang sarili. In fact, it's a huge effort not to go inside the bathroom and spend more time with Dani under the shower. Naramdaman ng binata ang pag-iinit ng pisngi sa huling naisip.

Lumabas si Dani after five minutes, nakaligo na ito at nakatapis ng tuwalya- tuwalya niya actually. Pinakialaman ng babae sa loob ng banyo.

“Puwede ba akong humingi ng favor? Yung gamit ko kasi, nasa kuwarto ni Ella. Baka puwedeng makuha?”

Shit. Napapikit si Lemuel. Paano niya ipapaliwanag sa kapatid na kailangan niya ang bag ni Dani? Worse- paano niya masasabi na sa kuwarto niya natulog ang babae?

“Okay lang ba?” narinig niyang tanong ng babae.

I'll be damned. May magagawa ba siya? Hindi puwedeng manatili ang babae sa kuwarto niya- lalo na't wala itong damit. Lalong delikado! Walang kibo na tumayo ang binata mula sa kama. Dali-dali siyang nagbihis para magmukhang disente. Bago lumabas ng kuwarto ay binilinan niya si Dani.

“Pumasok ka nalang muna sa CR. Sasabihin kong nakiligo ka sa kuwarto ko,”

Muntik nang matawa ang dalaga sa attempt niyang gumawa ng alibi. Pero in fairness ay wala itong reklamo- sinunod naman siya.

“Lemuel!”

Natutop ng binata ang puso niya sa sobrang gulat. Bulagain ba naman siya ng mommy niya sa mismong pinto ng kuwarto niya!

“Ma! Anong ginagawa mo dito?” Agad niyang isinara ang pinto.

“Gigisingin na sana kita para makakain ka na,” wika ng ginang na walang kamalay-malay sa mga naganap sa loob ng kuwarto niya. “Tanghali na e!”

“Ah, sige po. Halika ka na sa dinning room.”

“Kukunin ko nalang ang mga maruruming damit mo para mapalabhan ko sa katulong,” akmang hahawakan na ni Mrs Tirol ang door knob nang pigilan ito Lemuel.

“Huwag na po!” Iniharang ng binata ang katawan niya sa harap ng pinto. Pakiramdam niya ay teenager uli siya na may ginawang krimen! “Tara na po at nagugutom na nga ako.”

“Hay naku, pareho kayo ni Ella. Ayaw din akong papasukin sa kuwarto niya!” Nakasimangot na tumalikod ang ginang at nagtungo ng komedor. Nakabuntot si Lemuel.

Little Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon