Chapter Seven

7.5K 194 6
                                    

CHAPTER 7

ONCE and for all, kinausap ni Lemuel si Ella. Tinanong nito ng direcho kung may problema ba ito, nagrerebelde or nagpalit na ng sexual preference. Well of course alam niyang imposibleng may relasyon ito kay Dani, dahil napatunayan na niyang hindi tomboy ang babae. Pero gusto pa ring makasiguro ng binata na hindi naliligaw ng landas ang kapatid. Besides, yun naman talaga ang dahilan ng pag-uwi niya sa Pilipinas in the first place.

“Hindi ako nagrerebelde, Kuya,” tila hindi makapaniwalang pahayag ni Ella.

“E anong nangyayari sayo? Bakit nag-iba ka?”

“Hindi ako nag-iba. Nag-evolve lang ang personality ko,” paliwanag ng babae. “Dati kasi, para akong kinakaya-kaya ng iba. Feeling nila, weak ako. So I had to reinvent myself at ipakitang tough ako.”

“By looking like a man?”

“Hindi!” Natawa si Ella sa tinuran ng binata. Nasa mukha nito ang amusement sa pinagsasabi niya. “Mas gusto ko lang ang ganitong get-up.”

“Mukhang miyembro ng kulto?”

“Kuya! Ano ba? This is a fashion statement! Hindi porke't naka-all black, kulto na! Hello? Wala bang ganito sa California?”

“Marami. Members ng gang.” Napangiti si Lemuel. Actually ay naintindihan na niya ang point ni Ella. Inaasar na lang niya ang kapatid.

“Do I even look like a gang member?” Nameywang na si Ella kaya nilapitan ito ng binata at niyakap.

“No, of course not,” mabilis niyang wika. “Na-miss ko lang kasi siguro ang kapatid ko na laging naka-tirintas ang buhok noon. Parang Indian Girl.”

“That was before, Kuya! Hindi na ako elementary! I'm a grown-up now!” angal ni Ella, bagama't yumakap din ito sa kanya.

“I know. Nagising na lang ako one day, malaki ka na.” Binitiwan ni Lemuel ang kapatid at sinipat. “The baby is now a lady!”

“Kuya, matagal na!” Natatawang wika ng babae, pero hindi nakaligtas sa binata na tila may namuong luha sa mga mata nito. At napangiti siya. It was still his sister alright. Iyakin si Ella noon pa man.

“As long as you know how to take care of yourself, and you know what is right and what is wrong, I guess, mapapanatag na ako sa states.”

“Don't tell me, yan ang dahilan kung bakit umuwi ka dito?” Nagpalinga-linga muna si Ella para masigurong wala sa paligid si Mrs Tirol. “Si mommy ang nagsumbong no?”

Napahalakhak ang binata. Ayaw man niyang ituro ang ina pero huli na! Hindi kasi niya napigilan ang sarili sa pagtawa.

“Hayaan mo na si mommy. Ganun lang talaga yun.”

Little Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon