Chapter Four

7.9K 192 4
                                        

CHAPTER 4

MULA sa bintana ng dining room ay kitang-kita ni Lemuel na nagsisimula na ang swimming party nina Ella. Natukso siyang lumapit sa may glass sliding door na malapit sa dining table. As much as possible ay ayaw sana niyang magpakita para hindi mailang ang mga kaklase at kaibigan ng kapatid. Pero eksakto namang may nagbukas ng glass door.

“Lemuel?” narinig niyang wika ng babae sa harap niya. Napakurap siya. Parang kandidata ito sa Ms Earth, naka-two piece na kulay dark green. “Are you okay?”

Hindi kasi agad nakakilos si Lemuel sa kinatatayuan. Namamalik-mata ba siya?

“Excuse me?” nasabi ng binata nang makabawi. Napalunok siya. Si Dani ba talaga ang kaharap niya?

“Kuya, kilala mo na si Dani di ba?” sabad ni Ella na nasa likuran pala ng babae. Napatango si Lemuel kahit hindi siya sigurado.

Bakit parang ang ganda naman yata nito? Ang ini-expect kasi niya ay baduy o kaya ay kilos lalake- taliwas sa tila nympha na nasa harap niya ngayon. Ang alam niya- nang una niya itong ma-meet ay hindi naman ganun ka-attractive ang babae!

“Join us!” Nakangiting yaya ni Dani sa kanya. Pero imbes na sumagot ay hinagod niya ng tingin ang babae mula ulo hanggang paa.

Makinis ang kutis ng babae, parang naliligo sa gatas. At ang korte ng katawan nito- pang international beauty pageant!

Sayang at tomboy, wala sa loob na naisip ng binata.

“Ano kuya, join us daw. Halika, ipapakilala kita sa mga friends ko.” Naka-black one-piece swimsuit ang kapatid niya.

“Huwag na, kayo na lang.” Nailang si Lemuel dahil feeling niya, magmumukha lang siyang matanda kapag nakipaghalubilo siya sa mga kasama ni Ella.

Akala niya ay lulubayan na siya ng dalawa- pero laking gulat ng binata nang biglang lumapit sa kanya si Dani at ikinawit pa ang kamay sa braso niya! Napalunok siyang bigla.

“Come on! Nasa bakasyon ka naman e. Have some fun!” Iginiya siya ng babae patungo sa isang table sa may pool side. Agad siya nitong binigyan ng drinks.

Shit, nausal ni Lemuel bago umupo. Sa sobrang lapit kasi ni Dani sa kanya, hindi sinasadyang nasagi ng binata ang malusog na dibdib nito. Nainom niya tuloy bigla ang ibinigay nitong vodka sa kanya!

Maraming ipinakilala sa kanya sina Ella at Dani pero walang matandaan ang binata. Ang isip niya ay nasa babaeng balingkinitan ang katawan at nakasuot ng dark green two-piece swim suit!

There's no way na tomboy ito, naisip ng binata habang iniinom ang ikatlong vodka. Although karamihan sa mga bisita nina Ella ay babae, may mga lalake ring naroroon at obvious na ang atensiyon nila ay na kay Dani!

“You want some cheese sticks?” Muling lumapit sa kanya ang babae, may dala itong isang platito na may lamang cheese sticks at chicken lollipop.

Little Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon