Epilogue

12.9K 344 46
                                        

EPILOGUE

AFTER one month ay idinaos ang kasal nina Lemuel at Dani sa isang maliit na simbahan sa may Taal, Batangas. Ang kanilang reception ay sa isang garden na over-looking sa Taal Lake. Simple pero elegante ang naging kasal ng dalawa. Pawang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan lang ang dumalo.

“Congratulations!” niyakap ni Ella si Dani.

“Now we're officially sisters,” wika niya sa kapatid ng asawa.

“Oo nga. And I'm so happy!”

“Ako rin.”

Bumulong sa kanya si Ella. “Kapag inaway ka ni Kuya, kakampi mo kami ni mama!”

Natawa tuloy si Dani. Nang tingnan niya ang kanyang mother-in-law ay masaya itong nakikipag-usap sa kanyang mommy. Lalo siyang natuwa dahil magkasundo na agad ang dalawa.

Kahit pribado at kaunti lang ang bisita nila, napagod pa rin si Dani dahil sa walang humpay na picture-taking at tuksuhan- lalo pa't malaki na ang kanyang tiyan. Pero okay lang sa kanya ang mga panunukso- ang importante ay kasama na niya si Lemuel. At kasal na sila.

“KANINA ka pa tahimik...” wika ni Lemuel kay Dani nang silang dalawa na lang ang magkasama. Nasa terrace sila ng isang bungalow sa Tagaytay- natatanaw din ang lake.

Tiningnan ni Dani ng asawa na agad namang umakbay sa kanya. Halos sabay pa silang napahawak sa tiyan niya.

“May problema ka ba? May masakit ba sayo?” Bahagya pang yumuko si Lemuel para maitapat ang tenga sa tiyan niya.

“Wala... okay lang ako,” natatawang wika ni Dani. “Masaya lang ako.”

“Masaya? Are you sure?” Hinawakan siya ni Lemuel sa magkabilang-balikat. “E bakit parang ang lalim ng iniisip mo? Wala kang kibo...”

Bago pa natapos ni Lemuel ang sasabihin ay hinalikan na siya ni Dani.

“I was just trying to digest everything.... bawat minuto, bawat segundo ng araw na ito, gusto kong matandaan lahat...”

“Ganun ba yun?” Napangiti si Lemuel, saka hinalikan siya sa noo. “Akala ko....”

“Akala mo ano?”

“Akala ko nagbago na ang isip mo..... at narealize mong... you know, di ka dapat nagpakasal sa akin.”

Natawa ng malakas si Dani sa sinabi ni Lemuel. Muli niyang hinalikan ang lalake.

“Sorry.... pero hindi magbabago ang isip ko. And in case you want to know... this is the best day of my life,” she whispered.

“Thank God... ako din!” Si Lemuel naman ang humalik sa kanya.

And it was... the best day of their lives.

E N D

Little Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon