CHAPTER 9
ILANG linggo nang nakakabalik sa California si Lemuel pero hindi pa rin siya matahimik. Lagi niyang naiisip ang nangyari sa kanila ni Dani. It was like a beautiful dream- na agad na natapos.
Kasi hindi naman talaga dapat nangyari. I shouldn’t have done it with her. Ako ang mas nakakatanda, dapat napigilan ko e.
Alam naman niyang ang nangyari sa kanila ni Dani was a mutual decision. Pareho nilang ginusto, pero pakiramdam niya ay nagsamantala pa rin siya. Hinahabol siya ng guilt dahil alam niyang may tao siyang nasaktan sa Pilipinas. Basta nalang niyang iniwan si Dani. Oo nga at nagpaalam siya pero hanggang ngayon, hindi pa rin niya magawang tawagan ang babae.
Dapat ba akong mag-sorry sa kanya? But deep inside, alam niyang kahit ibalik niya ang oras, mangyayari pa rin ang nangyari sa kanila ni Dani dahil ginusto rin niya iyun.
Ang epekto tuloy- maligalig siya kahit nasa US na. Para kasing lagi siyang natitigilan kahit sa labas ng bahay o nasa trabaho. Kahit si Faye ay nakakahalata na sa kanya.
“Hey baby, I thought you're hungry?”
Napatingin si Lemuel sa babae. Nasa isang Thai restaurant sila sa may Hollywood Boulevard. Katatapos lang kasi ng isang photo shoot ni Faye at sinundo ito ng binata.
“I am hungry,” pilit na pinasigla ng lalake ang boses at tinikman ang spring rolls na nakahain. Wala siyang malasahan. Daig pa niya ang may trangkaso na walang panlasa.
“Are you okay?” Duda pa rin si Faye sa kanya. Nakatingin ito at tila tinitingnan ang ekspresyon ng mukha niya. “You've been acting strange lately...”
“What do you mean strange?”
“I don’t know. You have that weird look… like you’re physically here but your mind is somewhere else.”
Ngumiti siya sa girlfriend. “I'm just tired,” sagot niya. Lahat naman ng nagtatrabaho ay laging pagod, naisip niya. At alam din naman ni Faye na sa trabaho niya, lagi silang pressured.
“I thought that going home to the Philippines would do you good. But it seems like…”
“What?” Kinabahan siyang bigla. Mukhang may laman kasi ang sinasabi ng nobya.
“You just don’t look like your normal self anymore…” Napayuko ang babae saka ipinagpatuloy ang pagkain. “I don’t know….” Hindi na rin ito umimik pa kaya nadagdagan ang guilt na nararamdaman ni Lemuel. Wala naman siyang maipintas sa girlfriend dahil mabait ito at maalalahanin.
“I’m sorry. I guess I realized how much I missed home. I feel like I’m adjusting again.”
Tumango si Faye, na tila naintindihan naman nito ang paliwanag niya. Kahit papano ay nakahinga siya.
BINABASA MO ANG
Little Wild Heart
ChickLitThis book is published by BOOKWARE and posted with permission. I wrote this under my real name. To get the physical copy (printed copy) of this book, please go to www.bookwarepublishing.com Unit 301 3rd Floor Rizalina Building 1677 Quezon Avenue, QC...