Chapter Five

7.6K 189 18
                                    

CHAPTER 5

SHOCKED si Lemuel. Nakikita niyang magkayakap sa may pool ang kapatid na si Ella at ang kaibigan nitong si Dani!

Oh my God!

Nakatulog na siya actually. Pero nagising siya dahil sa uhaw kaya't tumayo siya at lumabas ng kuwarto para kumuha ng tubig. Alam niyang tapos na ang party dahil wala nang sounds na nanggagaling sa may pool area, madilim na rin ang mga ilaw except sa may garden at sa may pool. Natukso lang siyang tumingin sa labas at napalapit siya sa may glass door nang makitang may mga anino pa sa labas. Ganun nalang ang gulat niya nang makita niyang magkayakap nga ang kapatid niya at ang kaibigan nito!

Hindi nakatiis si Lemuel. Dali-dali siyang lumabas para kumprontahin ang dalawa! Hindi niya kayang i-tolerate ang ganitong kahalayan sa pamamahay nila! Kung kinakailangang palayasin niya si Dani ay gagawin niya!

“Mariella!”

Nagulat ang dalawang babaeng magkayakap. Agad naghiwalay ang mga ito.

“Kuya! Akala ko tulog ka na!” Nakita ng binata na agad ibinaba ni Ella ang hawak nitong baso saka tumayo. Nanatiling nakaupo si Dani, nakangiti pa ito sa kanya.

Bitch, sa loob-loob ni Lemuel.

“Akala ko ba ay tapos na ang party, bakit nandito ka pa sa labas?”

“Nag-uusap lang kami ni Dani,” sagot ni Ella. Guilt was written all over her face!

Gusto niyang hilahin ang buhok ng kapatid at ipasok sa kuwarto nito para mabigyan ng leksyon! But of course hindi niya gagawin yun dahil hindi siya bayolenteng tao!

“Madaling araw na, saka wala kayong mga saplot. Matulog na kayo, baka magkasakit pa kayo!”

Nagkatinginan muna ang dalawang babae. Tila nag-uusap ang mga iyun sa pamamagitan ng mga mata. Lalo tuloy nairita ang binata.

“Sige na, baka magising pa si mommy!”

“I'll go ahead ha, sunod ka nalang?” ani Ella kay Dani.

“Dito matutulog ang kaibigan mo?” tanong ng binata sa kapatid. He couldn't get himself to say her name. Tumango si Ella.

“Kesa naman mag-drive pa siya, kuya. Sige na, good night!” Yun lang at tumalikod na ang babae.

Naiwan si Dani na nakaupo pa rin. Tiningnan siya ni Lemuel. Napadako na naman ang mga mata niya sa dibdib ng babae. Napalunok siya dahil tila may sariling mga kamay iyun na kumakaway sa kanya.

“It's late, Dani. Matulog ka na rin. Pumasok ka na.” It took all his strength and courage para masabi yun without looking at her breasts. Tumalikod na rin ang binata at naglakad papasok ng bahay. One more second with Dani at baka kung ano pa ang mangyari!

Little Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon