Chapter Eight

7.7K 186 8
                                        

CHAPTER 8

HE was definitely skating on thin ice. Alam ni Lemuel na malaking kasalanan ang ginagawa niya- both to Faye and Dani pero hindi niya mapigilan ang atraksyong nararamdaman sa huli. Pagkakita pa lang niya sa babae nang dumating ito, gusto na niya itong hilahin papasok sa sariling kuwarto- wala na siyang pakialam kung may dinner man na inihanda ang mommy niya para sa mga bisita. But of course, hinintay pa rin niyang matapos ang munting salu-salo bago isinakatuparan ang plano!

Mabuti nalang at nagtaxi lang si Dani papunta sa bahay nila, there was no need to get rid of the car, sakaling magtaka ang mommy niya or si Ella kung bakit naroroon pa rin ang sasakyan ng babae. Matapos magpaalam ang babae na uuwi na ay nagpatawag lang ito kunwari ng taxi at nag-usap sila na maghihintay lang ito sa unahan, until it was safe enough to go back to the house. Knowing his mom, alam niyang once na pumasok ito sa kuwarto ay hindi na lumalabas. Lalo na si Ella, na hindi rin mahilig tumambay sa living room. Hindi rin naman siya pupuntahan sa loob ng kuwarto, so alam ng binata na puwede niya talagang itago doon si Dani. At ganun nga ang nangyari.

Pagpasok pa lang ni Dani sa loob ng kuwarto niya ay agad niya itong hinalikan. They wasted no time! Para bang napaka-natural na lang sa kanilang gawin iyun! At parang ang tagal nilang hindi nagkita- he kissed her with such thirst!

Agad niyang hinubad ang pang-itaas ni Dani at sumubsob sa mga dibdib nito. Pakiramdam niya ay mababaliw siya kapag pinatigil siya sa ginagawa sa mga oras na iyun!

Nagkusa din si Dani na hubaran siya ng damit. Mayamaya ay itinulak siya nito sa kama at pumatong sa taas niya. Pinaliguan siya ng babae ng halik mula sa mga labi, pababa sa dibdib, sa tiyan.... pababa.

“Oh God...” nasambit niya, sabay hila sa buhok ni Dani. “Don't stop.”

Pakiramdam ni Lemuel ay sasabog na siya anytime. Pero pinigilan niya ang sarili at sa isang iglap ay siya naman ang nasa itaas at si Dani na ang nasa ibaba. Hapung-hapo siya nang matapos, pero mayamaya lang ay naghahalikan na uli siya. Para bang hindi matapos-tapos ang kanilang ginagawa.

It was around two in the morning nang halos sabay silang dumapa sa kama- at pareho silang napangiti nang magkatinginan. Masuyo niyang hinawakan ang pisngi ni Dani... hinaplos iyun na para bang gusto niyang ma-memorize bawat anggulo.

“Lemuel, anong mangyayari sa atin pagbalik mo sa states?”

Mahinahon ang tanong ng babae, in fact it was almost a whisper. Pero pakiramdam ng binata ay bomba ang sumabog sa pandinig niya. He decided to be honest.

“Actually.... I really don't know.” Pareho silang nakayakap sa tig-iisang unan habang nakahiga ng patagilid at magkaharap sa kama. He was looking at her directly.

“Are you still going to call me? Or email me perhaps?”

“Siyempre naman. Kung ibibigay mo ang cellphone number mo saka email, I will get in touch.”

Natahimik si Dani, tila may malalim itong iniisip.

“May girlfriend ka daw sabi ni Ella.”

Little Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon