Voice 11

5 1 0
                                    

Broken Pieces

Kahit naman sino, ayaw magkaroon ng sirang pamilya. Dahil mas masaya kapag buo kayo. Right?

Kaya sabihin nyo sa akin, kasalanan ba ang ginawa ko? Gumawa lang naman ako ng paraan upang magkasama sama ulit kami. Masama ba iyon?

Labing tatlong gulang pa lamang ako noong nilisan kami ng tatay ko at mas piniling sumama sa iba nyang babae.

Labing tatlong gulang lang rin ako noong masilayan ko ang aking ina na halos mabaliw dahil sa pagkawala ng tatay ko.

Labing apat na taong gulang, nakita ko ang sarili kong ina na nagpatiwakal. Hinding hindi maaalis sa aking isip ang pangyayaring iyon, nakasabit ang kanyang katawan at naliligo sa sarili nyang dugo.

Labis akong nalungkot dahil sa ginawa ng aking ina. Iniwan na nga ako ng tatay ko, pati rin sya iniwan ako?

Sa sobra kong lungkot, nakaisip ako ng paraan upang muli kaming magkasama sama ulit.

Nakangisi kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan sya. Nairita pa ako ng antagal nyang sagutin.

"Hello anak! Napatawag ka?" Masigla nitong sabi.

"P-pa, tulungan nyo po ako. T-tulong aaahhhh! Nasa b-bahay po ako at parang may nakapasok dito." Nagkunwari akong nasasaktan ngunit sa aking loob ay gustong gusto ko ng tumawa!

"Anak? Anong nangyayar-----" Pinutol ko na ang tawag at agad na nagpunta sa aming kusina. Kinuha ko yung matalas na kutsilyo namin at sinaksak ang sarili.

Crazy?

Oo! Dahil desperado na akong bumalik sa akin ang tatay ko.

Tama naman ako, hindi ba?

"Anak?!" Napangisi ako nang marinig ko ang tinig ni papa. Humingi ako ng saklolo upang malaman nya na nasa kusina lang ako. Mabilis nya akong linapitan nang makita nya ko.

"P-pa, hindi mo na ba talaga ako babalikan? Kailangan kita, 'di ko kayang mag-isa." Halos lumuha na ako sa harap nya pero hindi sya pumayag! Hindi nya daw kayang iwanan ang bago nyang pamilya.

Ginalit nya ako!

Sinadya ko!

Buong lakas kong isinaksak sa kanya ang hawak kong patalim. Napangisi ako nang makitang nahihirapan na sya.

"Ngayon, magsasama sama na ulit tayo. Welcome back, papa." Ito na siguro ang pinakamasayang araw para sa akin.

I'm very happy 'cause we'll be complete again.

In hell.

Voice In The DarkWhere stories live. Discover now