Voice 14

4 0 0
                                    

Read This Before You Eat

Hindi ka ba nahihiwagaan kung anong mangyayari kapag nagkaroon ng taggutom sa ating bansa? Paano na lamang kung wala na tayong mapapagkunan ng pagkain?

Ang tanging katawan na lamang natin ang ating maaaring kainin.

Ngayon, gutom na gutom ka at ang tanging makakain mo na lamang ay ang iyong lamang loob.

Kumuha ka ng matalim na kutsilyo sa inyong kusina at madiing hiniwa mo ang laman ng iyong hita. Mabigat ng iyong paghinga ngunit iyon na lamang ang paraan upang mabuhay ka.

Ang laman ng iyong hita at hiniwa hiwa mo ng maliliit. Agap mong binuksan ang iyong kalan at ipinirito ito.

Ika ika kang kumuha ng pinggan at kubyertos. Hinang hina kang pinatay ang iyong kalan at inilagay sa iyong plato ang pinirito mo.

Pag upo mo ng upuan ay nakaramdam ka ng sakit dahil tumama ang iyong hita sa upuan. Nadumihan ang iyong upuan ng dugo mo, napatingin ka sa basahan na napakalayo sa iyong kinauupuan. Kaya imbes na tumayo muli upang kumuha ng basahan, mas pinili mong dilaan na lang ito tutal nauuhaw ka na.

Linapit mo ang iyong mukha sa upuan at dinilaan ito na parang isang ice cream. Nang makitang wala ng dugo, napagpasyahan mo ng upuan ito at kainin ang iyong pinirito na laman ng iyong hita.

Nang matapos ka kumain ay napahinga ka ng maluwag dahil nakasurvive ka na naman ng isang araw.

Napahawak ka sa gilid ng iyong labi dahil naramdaman mong tila may natulo doon. Pinahid mo ito at muli mong sinipsip ang iyong dugo.

Delicious!

Voice In The DarkWhere stories live. Discover now