Voice 15

4 0 0
                                    

Manika

Isang linggo pa lang ang lumilipas mula nang mamatay ang bunso ko, andami ng nangyayari na kababalaghan dito sa bahay namin.

Napagpasyahan nila mama na umalis muna sila at magpapalamig sa ibang bahay dahil hanggang ngayon raw ay hindi nila matanggap ang pagkawala ni Toria. Kaya ako, bilang ate ay pinaiwan nila ako dito sa bahay bilang bantay.

Ayoko talagang maiwang mag-isa pero kailangan.

Napalingon ako sa aking paligid, kasalukuyang nasa sala ako ng aming bahay at nanonood ng palabas upang umingay ang paligid.

Habang patagal ng patagal, inaantok na ako sa panonood kaya nilihis ko ang aking pokus sa tv at inikot ang paningin sa paligid.

Nagising ang aking diwa ng makita ko ang manika ng aking bunsong kapatid na nasa hagdanan at nakaupo roon.

Bakit yan andito?

Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at kibit balikat akong pumunta sa manika upang ibalik sa itaas ng aming aparador na nasa tabi ng hagdanan. Marahil nahulog lamang ito dahil sa lakas ng hangin.

Tumungo ako sa aming kusina at nagluto ng makakain. Kasalukuyan akong nagluluto ng pakiramdam ko parang may nakatingin sa akin sa likod.

Lumingon ako sa aking likod ngunit wala naman akong nakitang kahit ano.

Baka guni-guni ko lang?

Pinagpatuloy ko na lang ang pagluluto at agad na bumalik sa aking pwesto kanina. Muli akong bumalik sa aking pinanonood habang nakain.

Ilang minuto ang lumipas ramdam ko na parang nag iba na ang atmosphere ng paligid.

Parang ambigat.

Hindi sinasadyang nabaling ang paningin ko sa may hagdanan. A-at andoon ulit yung manika!

Nabitawan ko ang mga kubyertos na hawak ko dahil sa nakita ko. Biglang pumasok sa aking isip na ang paboritong lugar ni Toria dito sa aming bahay ay ang hagdanan.

H-huwag mong sabihin na ang manika na ito ay ang k-kapatid ko?

Hindi na ako natutuwa!

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, pinatay ko na ang tv at mabilis na pumasok sa aking kwarto. Nilock ko ito upang walang nakapasok.

Napabuntong hininga akong pumunta sa harap ng salamin. Kitang kita ko na sobrang mugto na ang aking mata at marahil nagdedelusyon na ako kaya may nakikita akong mga kababalaghan. Napaupo ako sa upuan ko at ibinaba ang tingin sa aking kwaderno.

Muli akong nagsulat ng entry para sa aking diary. Habang kinukwento ko ang lahat, tumataas ang mga balahibo ko! Ibinalik ko ang tingin sa salamin at nagulat ako sa aking nakita kaya nabitawan ko ang aking panulat.

Ang manika ni Toria ay nandito!

N-nasa kama ko at nakaupo habang tila nanonood sa aking ginagawa.

Mali na 'to!

Hindi na ito ilusyon!

Help!

Voice In The DarkWhere stories live. Discover now