Voice 6

6 0 0
                                    

My Baby Brother Is Not A Killer

"Anong nangyari sa daliri mo? HAHAHAHA KULANG NG ISA!"

"Abnormal!"

"Weird!"

"Kulang kulang!"

"Ang weird ng panganay tapos mamamatay tao pa ang kapatid nya! What a perfect family HAHAHA"

"Did you know girl? Kaya daw kulang ang daliri nya kasi noong pinagbubuntis sya ng nanay nya, muntik na syang ipaabort. Aww, unwanted child."

"Creepy! Hinding hindi ako lalapit sa kanya, nakakapangtaas ng balahibo."

"Gross!"

"Walang lalapit sa kanya, takot lang nating mapatay tayo ng kapatid nyan. HAHAHA"

Malakas na panglalait sa kanya ng mga kaklase nya na wala namang alam kung ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit kulang ang kanyang daliri. Wala manlang nag atubiling tanungin sya kung ano ang kwento sa likod ng kanyang daliri.

Sa araw-araw na pamumuhay nya, wala syang ibang narinig kundi panlalait.

Napabuntong hininga na lamang sya at pagod na umupo sa upuan nya. Nakayukong hinihintay ang kanilang huling guro para sa araw na iyon dahil tuwing mag-aangat sya ng tingin ay makikita nya lamang ang mga matang walang ibang ginawa kundi husgahan sya.

Matapos ang kanilang klase, mabilis nyang nilisan ang silid aralan upang hindi na sya makarinig pa ulit ng panlalait mula sa bibig ng kanyang mga kaklase.

Pag-uwi nya sa kanilang bahay, hindi na sya nagulat pa kung bakit ito tahimik. Laging tahimik ang kanilang bahay at hindi mo aakalaing may nakatira. Dumeretso sya sa kanyang kwarto at agad na humiga sa kanyang higaan dahil sa pagod.

Ngunit napabalikwas sya nang makarinig sya ng sigaw mula sa kwarto ng kanyang kapatid. Agap syang lumabas ng kanyang kwarto at balak na puntahan ang kwarto ng kanyang kapatid. Naaninag nya roon ang kanyang ina't ama na kapwa takot dahil alam nilang may mali na namang nangyayari sa kanyang kapatid na bunso.

Napabuntong hininga na lamang sya at wala sa sariling lumapit sa kinaroroonan ng kanyang ina't ama. Walang emosyon nya silang tinignan at pagod na kinatok ang pintuan ng kwarto.

"Leo? Are you okay?" Pilit nyang tinatago ang pag-aalala nang sambitin nya iyon sa labas ng kwarto ng kapatid nya. Ngunit walang sumagot sa kanyang tanong, pagod nyang tinignan ang kanyang ina't ama.

"Papasok ako." Mabilis na tumaliwas sa kanyang desisyon ang ina nya.

"Hindi pwede. Alam mo naman kung anong nangyari sayo noong huli kang pumasok sa kwarto ng kapatid mo, hindi ba? Ayokong mapahamak ka ulit." Pagtaliwas sa kanya ng ina nya. Muling nanumbalik sa isipan nya ang nangyari sa kanya noong nagpumilit syang pumasok sa kwarto ng kanyang kapatid.

Naputol ang isa nyang daliri.

"Wala akong magagawa. Hindi pwedeng sa iba nya ibuntong ang kanyang sakit." Pamumulit nya. Buong tapang syang pumasok sa kwarto ng kanyang bunsong kapatid. Hindi na sya nasupresa pa nang maabutan nyang madilim at magulo ang paligid.

"Leo?" Hinagilap nya si Leo ngunit dahil madilim ay nahirapan syang makita ang kanyang kapatid.

"Aray!" Napahiyaw sya sa sakit nang may maapakan syang bubog. Agad nya iyong inalis mula sa pagkakabaon sa kanyang paa. Muli pa syang napadaing ng tanggalin nya ito at halos manigas sya nang makitang may dugong dumaloy sa paa nya.

This is bad!

Kailangan kong makalabas na bago pa ako makita ni---

"Ate? Is that you?" Halos manigas sya nang marinig nya ang tinig ng kanyang kapatid. Hindi sya maaaring makita ni Leo lalo na't nagdudugo ang kanyang paa.

Ngunit huli na ang lahat.

Buong tapang syang lumapit sa kanyang kapatid na kasalukuyang nasa higaan nito. Bawat hakbang nya ay patago nyang iniinda ang sakit. Tumaas ang kanyang balahibo nang maaninag nyang may katawan ng tao sa tabi ng kanyang kapatid.

"Who's that, Leo?"

"Si Manang Liya, Ate." Nanginginig nyang hinawakan ang ulunan ng kapatid nya at pinunasan ang dugong nasa bibig nito.

"Hindi ba't sabi ni ate na 'wag ka nang mananakit ng ibang tao? Andito naman ako. Look, may siyam pang daliri si ate." Pilit syang ngumiti sa kanya at ipinakita ang siyam nitong daliri.

"A-ate" Inosente itong tumingin ng deretso sa kanyang ate.

"What is it, baby?" Pilit nyang itinatago ang takot at mas pinapahinahon ang pananalita.

"Nagugutom na naman ako." Agap syang tumayo at handa na sanang lumisan.

"Alright! Kukuha lang ako ng pagkain sa kusina at babalik din ako dala dala ang---"

"No, ate. I w-want to eat a flesh of a human." Tuluyan nang bumuhos ang kanyang luha na kanina nya pang pinipigilan. Nanginginig na ang buo nyang sistema ngunit agad nya rin iyong iwinala sa sarili.

"O-okay baby. Here, I still have 9 fingers for you." Nanginginig nyang inilapit ang kanyang daliri sa harap ng kapatid nya.

"I want to taste a heart, ate. Kaya mo po bang ibigay sa akin iyon?" Tuluyan na syang tinakasan ng dugo. Namutla sya ng marinig iyon sa bunganga ng kanyang kapatid.

"S-sige. Pero ipangako mo sa akin na hindi ka na mananakit ng iba pa, 'kay? Ako na ang last mo at sisikapin mong kumain na ng t-tunay na pagkain. Ipangako mo iyan sa akin, Leo." Kahit nanginginig man ay nagpakita pa rin sya ng otowridad sa harap ng kanyang kapatid.

"B-but--"

"Okay then, no heart for my baby."

"Sige na nga po, ate. I will try my best!" Muli nyang pinahid ang luhang pumatak sa kanyang mukha at nakangiti tinignan si Leo.

"Magpapaalam muna ako kila mama at papa, 'kay? Then, you can taste my heart." Inosente itong tumango habang sya'y nanghihinang lumabas sa kwarto iyon. Nasilayan nya roon ang kanyang ina't ama na nag-aalala syang tinignan. Nakita nya pang tinulungan ng ama nya ang kanyang ina mula sa pagkakaupo sa gilid ng pinto ng kwarto ni Leo.

"Mama, alam kong hindi ka papayag sa desisyon kong gagawin pero ito na lang ang daan para umayos ang lahat. Papa, ikaw na po ang bahala kay Mama. Lagi mo po syang aalagaan---"

"--ano bang pinagsasabi mo dyan---"

"---kasi mukhang hanggang dito na lang ako---"

"--magtigil ka nga!"

"Gusto ni Leo na makatikim ng puso--"

"---ang puso ko! Iyon na lang! Huwag na ang sayo, parang awa mo na anak malayo pa ang pwede mong marating---"

"---at nakipagkasundo na po ako kay Leo. Kapag nakuha na nya ang puso ko, titigil na sya. At alam kong tutupad sya sa kanyang pangako, nararamdaman ko iyon." Mabilis na isinara nya ang pintuan habang ang ina nya ay patuloy na kinakalabog ang pintuan sa kabilang banda.

"---hindi! Anak! Hindi ko kaya na mawala ka! Anak! Lumabas ka dyan! Leonardo, tulungan mo akong mailabas ang anak natin! Leonardo, do something! Anak, lumabas ka dyan!" Agap nyang pinunasan ang mga luhang lumandas na naman sa kanyang mukha. Rinig na rinig nya ang pagtawag sa kanya ng ina nya ngunit hindi na nito mababago pa ang desisyon nya.

"Leo, nangako ka na huli na ito. Hindi ka na ulit mananakit pa, 'kay?" Muli nyang paninigurado.

"Yes, ate. Last na po ito at totoong food na po ang kakainin ko." Inosente itong tumango sa kanyang harap at itinaas ang kanang kamay na parang nangangako. Mabilis nyang ginulo ang buhok at tinanggap na ang nakatakdang mangyari sa kanya.

"Good boy. Now, take my heart."

Voice In The DarkWhere stories live. Discover now