Removal Of Fingernails
"Anong ginagawa mo, Rielle?!" Napuno ng nakakakilabot na sigawan ang kanilang dormitoryo.
"Huwag nyo akong pipigilan! Lumayo kayo sa akin!" Nanginginig ang mga kamay nya at tuloy tuloy ang pagbagsak ng mga luha nito. Nakaupo sya sa kanyang kama at unti unting hinawakan ang kuko sa kanyang hinlalaki
"Tigilan mo yan, Rielle!" Pilit na hinihila ni Rielle ang kanyang kuko at mas lalong lumakas ang tilian nila ng maalis na ang kuko nya mula sa daliri. Kitang kita ng lahat kung paano iyon dumugo.
"K-Kailangan ko 'tong gawin. K-Kailangan ko 'tong gawin." Paulit ulit na sabi ni Rielle at isa isa nyang hinila ang mga kuko nya.
Wala syang itinira.
At walang nakapigil sa kanya.
-----
Usap usapan sa buong campus ang nangyari kay Rielle, maraming mga nagsasabing baka may sakit daw sa utak o baka depressed.
"Walang sakit sa utak si Rielle!" Gigil kong sigaw sa hallway. Halos lahat ay napatigil at napatingin sa akin. Saksi ako! Pinigilan ko sya! Pero hindi ako nagtagumpay.
Nangingilid ang mga luhang umalis ako doon at hindi na pinansin ang mga tingin nila. Hindi ako papasok ngayon! Aalamin ko kung bakit ginawa nya yon.
Bumalik ako sa dormitoryo namin, inuna kong pakielaman ang gamit nya sa school. Ikinalat ko ang mga gamit nya lahat at isa isa iyong tinignan. Bawat papel ay binasa ko.
Pero wala akong makitang makakatulong sa akin!
Napaigtad ako sa aking kinatatayuan nang biglaang bumukas ang pinto ng aming kwarto, iniluwa n'yon si Yelalene.
"D-Dea!" Itinungkod nito ang kanyang kamay sa binti dahil sa sobrang hingal. "S-Si Gen...tinatanggal nya rin ang kuko nya!"
Nanlaki ang mata ko. Agad akong sumunod sa kanya papunta kay Gen. What the hell is happening?! Bakit nangyayari 'to sa amin?!
"G-Gen..." Nasa loob sya ng classroom, nakaupo at ang mga kamay ay nasa kanyang kuko. Nasa gilid nya ang isang Professor na mukhang pinipigilan sya. Mabilis akong pumasok at lumuhod sa harap nya.
"Stop this, Gen." Hinawakan ko ang nanginginig nyang kamay. "Huwag ka namang gumaya kay Rielle." Nanghihina na ako habang pinagmamasdan sya.
"I'm sorry, Dea. Kailangan ko 'tong gawin." Natigilan ako nang sabihin nya ang mga katagamg 'yon. Dahil iyon ang eksaktong sinabi rin ni Rielle!
"Bakit?" Pabulong kong tanong.
"For our friendship." Matapos nyang sabihin iyon at mabilis nyang itinaboy ang kamay ko. Buong pwersa nyang hinila ang kuko mula sa daliri nya. Nababalot na ng dugo ang kanyang mga daliri.
Mababaliw na ako!
Wala sa sariling tumayo ako at yinakap si Yelalene. Ibinuhos ko ang lahat ng aking lungkot sa kanya.
"Bakit ba nila ginagawa 'yon? Natatakot ako, Yela. Hindi ko sila maintindihan." Wala akong ibang ginawa kundi magsumbong sa kanya.
"K-Kasalanan ko, Dea. Kasalanan ko." Ani nya. Napaalis ako mula sa pagkakayakap sa kanya at naguguluhan syang tinignan.
"A-Ano?"
"Ako ang dahilan kung bakit nila ginawa 'yon, Dea. Dahil mayroon akong sakit." Wala akong maisagot! Mas lalo akong naguguluhan na ngayon.
"Unti unting nahuhulog ang mga daliri ko sa kuko, D-Dea. S-Sobrang sakit! Sobrang sakit! Ngayon ko lang n-nasabi sayo." Napaatras ako palayo sa kanya. Otomatikong nanginig ang aking katawan at wala sa sariling nagbaba ng tingin sa kanyang mga kamay.
Bakit ngayon ko lang 'yon napansin?
Napakawalang kwenta kong kaibigan!
"Bakit 'di mo sinabi sa amin? Bakit nagtago ka?!" Hindi ko naiwasang pumiyok! Wala sa sariling dumapo ang aking kamay sa mga kuko ko. Mahigpit kong hinawakan ang kuko ko sa hinlalaki at pwersahang tinanggal mula sa daliri ko.
Kitang kita ko kung paanong may lumabas na dugo mula roon.
A-At sobrang sakit!
"A-Anong ginagawa mo Dea? W-Wala naman akong sinisisi---"
Wala sa sariling napangiti ako at nag-angat ng tingin sa kanya. Ngayon, nararamdaman ko rin ang sakit na nararamdaman nya.
It's feels like hell!
"F-Friendship." Tangi kong sagot.
YOU ARE READING
Voice In The Dark
Horror| Isang daang nakakakilabot na tinig sa dilim. Handa mo bang pakinggan? |