The Girl Who Can't Differentiate Dreams And Reality
I'm 16 years old back then when I first laid my eyes to a man. Yes, I'm too young to love someone, but I have this feeling that he's the one.
Para bang, unang tingin ko pa lang sa kanya ay napasabi na akong 'Sya na nga.' At hindi ako katulad ng iba dyan na maghihintay pang lumapit sa kanila yung taong gusto nila. Andyan na sya, susunggaban ko na!
I confessed to him.
"We're too young for that." He rejected me, hindi man nya sinabi ng diretso pero gets ko na yon!
I'm 16 years old back then but I've already rejected by a man. I'm not giving up, I may be too young to love him but I'm pretty sure he's the one.
Kaya hindi ako tumigil, lagi ko syang sinusundan at pinagmamasdan kahit sa malayo. Lagi kong pinaparamdam sa kanya na nasa tabi nya lang ako.
Makaraan ng dalawang taon, he confessed to me. He likes me too! And planning to court me.
Kinaumagahan, nakangiting bumangon ako sa higaan at mabilis na nag-ayos ng sarili. Excited na akong makita sya! Hinihintay nya kaya ako? O susunduin nya ako dito sa bahay?!
I giggled because of my thoughts. Pagdating ko sa campus, agad na hinanap ng mata ko ang mukha nya. And there he is, standing marvelously and patiently waiting for me.
Aww. He's so adorable!
"Pat! Kanina ka pa naghihintay sa akin?" Malawak ang ngiting humarap sa kanya. Pasimple pa akong ngumuso. Nagpapacute ako, Pat! Pacute 'to. Para mas mahulog ka sa akin!
"Patrick! Here!" Isang boses ang nagpasiklab ng damdamin ko. Sinong malanding haliparot ang tumawag sa manliligaw ko?! Nakataas ang kilay na nilingon ko ang babaeng nakacroptop at jeans na fitted ang papalapit sa amin. "Sino sya? Stalker? Fan?"
"Ikaw, sino ka para tawagin ang manliligaw ko sa second name nya?" Napasinghap pa sya at parang hindi makapaniwala. Ha! Yes, ang pinapangarap mong lalaki ay manliligaw ko. Dream on, girl!
"Katty, let's go. Don't mind her." Otomatikong napaawang ang bibig ko. Manliligaw pa lang, may kabit na!
"Pat! Hoy! Nanliligaw ka pa lang, may kabit ka na agad! Sa tingin mo, sasagutin kita?" Ipinagkrus ko ang mga braso at galit na hinarap sya.
"Look, may iba akong nililigawan at hindi ikaw 'yon. Umamin ka na sa akin noon Junella at naiintindihan mo naman siguro ang sagot ko." Bago pa man nila ako talikuran, ipinagbabato ko ang mga gamit ko sa kanila. Kung nasasaktan ako ngayon, kailangan pati sila ay masaktan!
"Say sorry to me! Mag sorry ka lang, papatawarin kita agad. Kakalimutan ko ang pangangaliwa mo." Pero tinawanan nya lang ako! At ang babaeng 'yon ay nang-aasar pang dumila sa akin at natatawang umiling.
I'm 18 years old back then, when my man whom I first laid my eyes cheated on me. But I will not give up, I may be too young to love but I'm sure he's the one.
Buong araw akong nakabusangot hanggang sa pag-uwi ng bahay. Pero mahal nya naman pala ako! Dahil nag sorry sya sa akin ng madaling-araw. Like what I've said, mag-sorry lang sa akin papatawarin ko na agad sya. Kaya ayon, masigla ulit akong bumango at mas ginanahan dahil naalala kong birthday ngayon ni Pat.
Anong magandang gift kaya para sa kanya?
What if...hihi!
Pagpasok sa campus, lumapit agad ako kay Pat at binati sya. Nakakaguilty tuloy! Wala akong gift pero siguro yung naisip kong gift ay pwede na, hihi.
"Happy Birthday, Pat ko!" Masigla ko syang niyakap at parang uod pang pangisay ngisay. Bakit ba? Ganito ako bumati sa mahal ko!
"Thank you, Junella." Nandidiri nyang tinanggal ang braso ko na nakalingkis sa leeg nya. Hmp!
YOU ARE READING
Voice In The Dark
Horror| Isang daang nakakakilabot na tinig sa dilim. Handa mo bang pakinggan? |