Voice 35

4 0 0
                                    

Warning: 18+ Mature Content

You're alone and so freaking bored in your own house. Hindi mo mapigilang mabagot dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi ang mga magulang mo gayong gabi na.

Not until when your phone rang. Tanging tunog lang ng cellphone mo ang maririnig sa buong paligid. Mabilis mong sinagot ang tawag nang hindi tinitignan kung sino nga ba ang tumatawag. Habang hinihintay na magsalita ang tumawag sayo, ika'y tumayo at pumunta sa inyong sala.

"Who's this?" Iritado kang umupo sa inyong sofa at pinagmamasdan ang sarili sa tv na nasa iyong harap. Ipinatong mo sa iyong binti ang throw pillow na nasa tabi mo.

"I-It's me, Rea." Napapitlag ka ng marinig ang boses nyang nangangatal.

"Bakit ganyan ang boses mo?" Nagugulumihanan mong tanong. Napaayos ka ng iyong pagkakaupo at medyo kinabahan sa nangyayari.

"You're a good girl, right?" aniya. Hindi mo maramdamang sya'y nanunuya sa tanong nya kaya hindi ka mapakali.

"Ano ba 'yang tanong mo?" Mahinang tanong mo.

"May ipapasa a-akong link, follow the rules and s-save me! Save me, Ayesha!" Isang malakas na hiyaw mula sa kabilang linya ang nagpatindig sa iyong balahibo. Pagkatapos ay nawala na ang iyong kausap sa kabilang linya.

Muling binalot ng katahimikan ang iyong bahay. At hindi mo na ikinatutuwa iyon. Kaya noong tumunog ulit ang iyong cellphone ay kakaiba ang naging bilis ng tibok ng puso mo.

https://vidshardcoresociety.com

You clicked the link without hesitation. Bumulagta sa iyo ang mga videos na hindi mo pa dapat mapanood. Napalingat ka sa iyong paligid at napalunok.

Nagtatalo ang iyong isip.

May bahagi sa iyong gustong manood dahil nilalamon ka ng iyong kuryosidad. Pumasok din sa isip mo ang sinabi ng iyong kaibigan.

Kagat-labing pinindot mo ang pinakaunang video. Ngunit hindi mo inasahan ang lumabas sa iyong cellphone.

It's a rule nor a warning.

WELCOME TO HARDCORE SOCIETY

Be noted of our golden rule;

Must be 18 years old and above. Curiousity kills a cat. There will be a severe punishment if you will not follow.

CONTINUE          CANCEL

There's a two button. But you chose to continue. Kahit ikaw ay nasa murang edad pa lamang at wala pa sa nakasaad na edad.

Noong una ay nagulat ka sa iyong nakita ngunit sa tinagal ng iyong panonood, tuluyan ng nawala sa iyong utak ang sinabi ng iyong kaibigan. You just kept on watching.

Natigil ka lamang noong may kumalabog mula sa kusina. Muntikan mo pang mahulog ang 'yong cellphone. Hawak-hawak ang cellphone na nasa iyong likod, dahan-dahan kang lumakad papunta sa inyong kusina.

"Why can't you follow? It's just a simple rule, little kid." Ang kanyang malalim at bruskong boses ang naging dahilan kung bakit ka napaatras sa iyong kinatatayuan. Mula sa dilim, lumabas ang isang lalaking ubod ng laki ang pangangatawan at ang mukha nitong hindi natutuwa sa iyo.

"What do you mean?" Nais mo sanang magtanong ngunit walang boses na lumabas sa iyong bibig dahil mukhang natuyuan ka na ng laway.

"Katulad ka lang ng kaibigan mo." Binalot ang iyong bahay ng isang malalim na halakhak.

"Huwag kang magkakamaling lumapit!" Doon ka lamang nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita ng unti-unti syang lumalapit sa hamba ng kusina, kung saan ka nakatayo.

He chuckled.

Nang ambang tatakbo sya papunta sayo ay nagkukumahog kang lumayo at tumakbo papunta sa iyong kwarto ngunit nahuli ka na. Sa haba ng kanyang biyas, madali nga lang talaga ikaw mahuli.

Mula sa likod, sinakal ka nya at tinutukan ng patalim.

"I killed your friend. Sabi nya ay isa ka raw mabuti at masunuring bata? But you failed her." Unti-unting nagsipaglaglagan ang butil ng iyong luha nang may ipakita ang lalaki. Ipinanood sayo kung paanong pinahirapan ng lalaki at ginilitan ang iyong kaibigan, si Rea.

"R-Rea!"

"Now little kid, it's your turn. Tumawag ka ng isang taong sa tingin mo ay marunong sumunod kahit sa murang edad. Let us test him or her. Kung sumunod sya, maililigtas ka." Tila nabuhayan ka ng marinig mo 'yun. Kailangan mo lang pumili ng taong pinakatitiwalaan mong hindi magkakamali. Nanginginig ang iyong mga kamay na habang nagtitipa.

Ngunit ang taong tinawagan mo at pinagkakatiwalaan mong hindi magagawang manood ng gaanong klaseng bagay ay binigo ka.

"I see, your sister is next." Nanlamig ang iyong katawan at naramdaman ang patalim na nakatapat sa iyong leeg ay unti-unti ng lumalapat sa iyong balat.

Nanlabo ang iyong paningin at sa pamamagitan nitong kuwento, nais mong imulat ang mga batang wala pa sa tamang edad na huwag ipilit ang bagay na hindi pa nararapat nilang tuklasin.

But again, Rea failed again to warn the one who's reading this. Dahil sa simula pa lang ng kwento, there was a warning. Yet you still read it.

You're next.

Voice In The DarkWhere stories live. Discover now